Nakatitig lamang sina Jam at Allan sa harapan ng Apartment habang isa isang binubuhat ng mga trabahador ang mga kagamitan palabas ng bahay papunta sa may truck.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng dalawa ngunit wala silang imik. Pinili na lamang nilang itago ang mga emosyon nila sa kanilang mga sarili.
Ilang minuto pa ay isang malalim na paghinga ang hinugot ni Allan sabay lipat ng tingin kay Jam.
"Nasaan na ang iba?" tanong nito sa kaibigang babae.
"Si Kuya Gary pabyahe na dito para sunduin tayo. Siya nalang daw ang maghahatid saatin sa terminal. Sina LJ at Eurica baka sunduin na rin niya sa bayan papunta dito. May dinaan lang sa may palengke na panglunch natin," sagot ni Jam na wala ng halong kahit anong emosyon.
Hinugot nito ang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa at nagsindi ng isa. Agad naman na lumayo ng kaunti si Allan dahil allergic ito sa sigarilyo. Isang tipid na tawa nalang ang ibinigay ni Jam dahil naalala nga nito na ang kaibigan ay may hika.
Ilang minuto na lamang ay dumating na rin si Gary na nagpark na lamang sa may harapan din ng Apartment. Kasama na rin nito sina LJ at Eurica na may bitbit na ilang paperbag na may laman ng kanilang biniling lunch para sa lahat.
Tulad nina Jam at Allan, napatitig na lamang sila sa Apartment na unti unting nauubusan na ng gamit sa loob.
"Sigurado kana bang uuwi kana sa Mindoro, Jam?" bungad na tanong ni Gary kay Jam sabay kuha ng isang sigarilyo sa kaha nito
"Oo, Kuya. Kailangan na rin," anito at inabot ang lighter kay Gary upang makapagsindi.
Umaktong hihingi rin si Lj ngunit agad na piningot ni Gary ang tenga nito.
"Aray ko naman!" sigaw ni LJ na ininda ang sakit.
"Aba'y akala ko hindi kana magyoyosi? Pumasok na kayo doon ni Eurica at nang tayo ay makakain na habang hinihintay si Victor."
Gulat na napatingin si Allan sa gawi ni Gary at Jam. Gulat din ang naging reaksyon ni Jam sa kanyang narinig.
"Nakabyahe si Victor?" tanong ni Allan sa malayo dahil umiiwas pa rin ito sa usok ng dalawang kaibigan.
"Oo, Allan. Nakapag paalam daw sa magulang. Kaninang umaga pa siya lumuwas kasabay lang din namin na umalis pero hindi na siya nagpahintay."
Tumango lamang si Allan at pumasok na rin sa loob na sinundan na rin nina Jam at Gary.
HABang nag aayos ng pagkakainan ay napansin ni Eurica na tanginang ang sala set na lamang ang natira sa loob ng bahay.
"Grabe no. Darating din pala sa punto na mauubusan ng laman tong bahay na to," natatawang sabi niya.
"Buti nga at napatunayang posible pala. Akala ko kasi hindi na malilinis to sa dami ng gamit ni Jam at mga iniiwan ninyong mga bagay bagay," sagot naman ni LJ.
"Hoy! Hindi naman ako makalat! Sadyang dumarami lang ang tambak kapag umuuwi kayo dito," hindi pagsang ayon ni Jam at itinawa nalang ng lahat.
Nagumpisa ng kumain ang magkakaibigan habang nagumpisang magbalik tanaw sa kanilang mga kalokohan.
"Naalala niyo ba nung nalasing si Gary? Tapos sa sobrang ingay at kulit niya nagreklamo lahat ng kapitbahay?" pagpapaalala ni Jam.
"Oo! Tapos yung officer ng subdivision pa ang sumugod dito para patigilin siya," dadag rin ni Lj.
"Bakit hindi ko maalala yan?" saad ni Eurica.
"Malamang nasa Abroad kapa nun!" pagpapaalala ni Jam dito.
"Heto pa malala! Nung dumating yung Officer, inabutan niya si Zoe na nakahiga sa may terrace na may yakap na paso at tulog!"
At nagtawanan ang lahat nang maalala nila ang kagaguhan nilang iyon. Ngunit ang tawa nila ay unti unting naglaho ng maalala nila ang kaibigang si Zoe.
Lahat sila ay nagsitinginan kay Jam na napayuko na lamang.
Hindi mawari ni Jam kung ano ang mararamdaman kapag naalala si Zoe. Nasaan na kaya ito ngayon? Kamusta na kaya ito? Alam kaya niya na ibebente na ang Apartment? Alam kaya niya na magkakasama sila ngayon?
Hindi niya alam. Wala rin ni isa sakanila ang may alam. Wala ring may alam kung paano at saan hahanapin si Zoe. Hindi na nila alam kung nasaan ito. Basta ang alam nila matapos nilang magaway na dalawa ay hindi na ito muling umuwi pa sa Apartment at sumama sa kahit anong lakad ng barkada. Ni isa sakanila ay hindi na nito kinausap. Pinutol niya lahat ng kahit anong koneksyon sakila at tuluyan ng hindi nagparamdam.
TUMayo ang lahat nang matapos magsikain. Tumungo ang iba sa labas ngunit si Allan ay tinulungan si Jam na magligpit ng pinagkainan.
Napansin ni Jam ang matamlay na awra ng kanilang Kuya kuyahan. "Kuys, ayos kalang ba?" tanong nito.
"Sakto lang. Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot." Ngumiti ito ng tipid at nagumpisang magsabon ng mga plato.
Napatitig nalang si Jam. Siguro nga kung may pinakanalungkot sa nangyare ay si Allan iyon. Si Allan naman ay hindi na rin niya maiwasan na ipakita ang kanyang kalungkutan sa pagalis nila ng tuluyan sa Apartment. Pero wala siyang magagawa. Baka ganito na nga talaga sila. Baka ganito na nga talaga ngayon.
Ganito nalang.
BINABASA MO ANG
Friendship Medley
General FictionA Barkada Adventure inspired by the songs of Eraserheads.