Kasinungalingan

19 0 3
                                    

Kakagaling ko lang sa bakasyon, pero ang lungkot pa rin ng bakasyon ko dahil iniisip ko yung problema namin dati. Meron akong isang kaibigan, kasama siya sa bakasyon namin.

Habang gising pa kami sa kama namin tinanong ko siya.
"Ate" sabi ko
"Bakit?" Sabi niya
"May ikukuwento ako sa iyo"
"Ano iyon?"
"Meron kasi akong bestfriend, sobrang love ko siya pero hindi ko pa rin nakakalimutan yung pinagpili niya ako sa bestfriend niyang bakla sa ibang bansa iniisip ko lang na parang ayaw niya sa akin, parang nawala yung bestfriend ko na nakilala ko dati, ang daming tanong pumupunta sa isip ko ate pero bakit ganon parang ang bigat sa pakiramdam?"
"Baka naman kasinungalingan ang lahat na ginawa niyo dati at ayaw niya talaga sa iyo dati, kung ako lang sa iyo lumayo ka muna sa kanya para makapag isip isip ka at wag mo muna siya pansinin" sabi ng ate ko na kaibigan ko
"Eh paano kung lumalapit siya sa akin at tatanungin niya ako kung bakit ko siya iniiwasan at bakit parang lumalayo ako" sabi ko
"Edi magmatigas ka sabihin mo sa kanya na madami ka kasing gagawin at madami ka pang hahabulin sa pag aaral mo" sabi niya "O sige" sabi ko

Totoo kaya na puro kasinungalingan yung ginagawa mo sa akin?

Kasi ang daming tanong pumapasok sa isip ko na hindi ko maiintindihan kung bakit.

Kasi kung ayaw mo na sa akin palalayain na kita kasi ayaw ko na magsisinungaling ka lang sa akin kasi ayaw ko yung sinungaling na tao. Oo ginawa ko sa iyo yung pagsisinungaling ko sa iyo pero wag ka namang bumawi na parang sinungaling tao ka na rin. Mabuti akong tao pero masama lang ako pag palaging may nagsisinungaling sa harap ko. Naiintindihan mo?

Minahal kita bilang kapatid,minahal kita bilang bestfriend ko pero eto lang yung igaganti mo sa akin?

Wag kang mag alala mabuting tao na ako hindi yung dating tamad dati na hindi gumagawa ng projects dahil naniniwala ako na pwede magbago pa ang isang tao.

Pero magbabago ka pa ba sa ugaling iyan?

Siguro HINDI NA.

Ayaw ko nang umiyak
Ayaw ko nang mapahamak diyan sa pagkakaibigan na iyan.

Dahil suko na ako sa KASINUNGALINGAN MO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon