I.Suma-sideline.

74 0 0
                                    

Ang tunay na lalaki marunong maghintay, hindi yung habang naghihintay sumasideline.
- anonymous.

Utang na loob naman mga pre.

Klarong klaro sa taas oh.
Maliban nalang talaga kung di ka lalaki.

Sh*t kasi eh.

Nanligaw ka, eh di pa daw pwedi sabi ng babae tapos sabi mo maghihintay ka hanggang sa pwedi na, sincere na sincere pa pagkasabi mo tapos anu?

Maghihintay ka nga hanggang sa pwedi na syang ligawan,

Pero nagsyota ka naman ng iba ng mga panahong naghihintay ka.

Anu yun pre?
Pampalipas oras?
Panakip butas?
O
For security lang na kung sakaling wala ka nang hihintayin?

Chong, madali lang yan.
Klaruhin mo muna kung may hihintayin ka ba talaga.
Kung meyrun eh di maghintay ka.
Maghintay ka bilang isang tunay na lalaki.
Loyal.
Hindi naghahanap ng iba habang hinihintay sya.
Ang mga babae kasi gusto ng mga lalaking di pa kayo pero nagpapakitang gilas na, loyal na at tiyak kapag naging kayo mas mamahalin ka nun.

Tsaka

Hindi lang yung hinihintay mo ang masasaktan, na malalaman nya nung sinabi nyang pwedi na at tapos na ang paghihintay mo ay nagsyota ka pala ng iba sa panahon ng paghihintay mo.

Hindi paghihintay yun pre.

Kagaguhan yun.

Masasaktan rin pati yung syinota mo na ginawa mo lang pala syang pampalipas oras hanggang sa oras na sagutin ka ng hinihintay mo.

Ang mga babae may feelings din. Nasasaktan din. Mas malala pa nga yan kesa sa lalaki kasi vocal sila. Kung anu ang nararamdaman sasabihin yan, hindi yan kikimkimin.

Kaya chong, tama na ang sideline kung naghihintay ah?
Ok? *bro bump*

Kasi nga Lalaki!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon