II. Timer

52 0 0
                                    

Timer?
Two-timer?
Three-timer?
To the nth-timer?

Hello?

Orasan kayo? Stopwatch?
Eh asan mga numero nyo?
Wall clock ka? Alarm clock? Wristwatch? Timer?

Bat tigdalawa ka kung magsyota? Tigtatlo? Tigrami?

Isa ka lang. Anung ginagawa mo, multi-tasking? Naglalaro? Kahit nga sa larong bahay bahayan ay iisa lang ang nanay at isa lang ang tatay sa isang bahay,the rest ay mga anak na o kamag anak. Mabuti pa ang mga bata may common sense, eh ikaw?
May common sense nga, ang tanong 'ginagamit ba'?

Pre, sa relasyong ganito.
Ang ratio po is 1 is to 1(1:1)
At hindi 1 is for Everyone.

Magseryoso ka naman pre. Syotain mo yung taong pinakagusto mo at hindi lahat ng gusto mo. Hindi porket maraming babae dyan eh magsyosyota karin ng marami.Papayat ka nyan, pati wallet mo papayat.

Pre, minamahal, inaalagaan at pinagsisilbihan ang mga babae at hindi niloloko at pinaglalaruan.

Tandaan mo.
Mayroong Karma at Golden Rule.

Kung anung ginawa mo sa iba, babalik din sayo.

Maaring hindi sayo bumalik pero sa kapamilya mo naman.

Imaginine mo yung kapatid mong babae o di kaya yung future daughter mo na niloloko. Masasayahan ka? Masarap ba sa feeling? Magpaparty ka?

Hindi diba?

Oh panu alam mo na gagawin mo ha?

Pre, isip isip nalang . Gamitin nyo yang ulo nyong may isip , yung ulong nasa taas, hindi yung nasa baba.

Kasi nga Lalaki!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon