"Omg Kyshaa!" Halos mapatalon ako sa saya ng makita ang bestfriend ko noong college.
Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. "Hala be! How are you na?" Masayang tanong ko.
Masaya siyang ngumiti sa akin at hinampas ako. "Maupo muna tayo dali, marami akong chika!"
Kahit sunod sunod ang mga taong pumapasok sa silid ay nagawa pa din naming makahanap ng upuan, malapit sa stage.
"So ano nga?" Nakangiting tanong ko.
Sino bang mag aakala na magkikita kaming muli pagkatapos ng mga nangyari?
Maharot siyang ngumiti sa akin at hinampas na naman ako. "Gaga ka, kanina ka pa hampas ng hampas baka mandilim paningin ko sayo at masipa kita." Pabirong sabi ko.
Humalakhak siya. "Ano ka ba naman!" Akmang hahampasin niya ulit ako ng maunahan ko siya.
Kingina, ano kami dito? Maghahampasan na lang? Tatawa ng tatawa?
"Eto na nga, guess what Kysha!" Nagtataka akong tumingin sa kanya.
Ang lagay manghuhula pa ko?
Inambahan ko siya ng hampas pero umatras siya. "Gaga! Ikakasal na koo!" Tumili siya kaya napatili na din ako at halos magtatalon.
Ilang taon kaming nagkita, pagkatapos ng mga nangyari. Masaya akong masaya na ang nag iisang bestfriend ko.
"You're already happy na, how about me naman?" Kunwaring nagtatampong tanong ko.
Tumawa lang ito at hinampas muli ako. "Echosera ka, ikaw nga tong hindi nagsabi sakin na ikakasal ka na." Tumawa ito ngunit ako ay natigilan.
"Hoy anong ikakasal? Single ako!" Natigil ang pagtawa niya.
Hindi makapaniwalang tumingin sakin. "W-what? But this party?" Lumapit siya sakin, sobrang lapit.
"Tangina, you two didn't end up together!?" Nanlalaking matang tanong niya.
Kumabog ang dibdib ko, yes this is an engagement party and i'm the one who organized this but..
"Ano bang sinasabi mo Giania?" Nagtataka pa ding tanong ko kahit na alam ko na kung saan patungo ito.
Hindi ako ganon katanga para hindi marealize ang lahat ng ito. Kahit isang beses ay hindi nagpakita ang kliyente kong humingi nang tulong sa amin para sa party na to. Palaging sa tawag lang kami nag uusap.
"Don't tell me, hindi mo alam kung kaninong engagement ito?" Umiling iling ako sa kanya.
Magsasalita pa siya ulit nang umpisahan na ng host---Kyssa my sister ang event. Binati niya ang lahat ng tao, nagsalita ng kung ano ano.
Ngunit ang utak ko ay nasa iisang bagay lang. Sobrang lapit mo lang pala sakin, bakit hindi man lang kita nakita? Bakit hindi ko man lang alam na nandito ka lang pala?
My bestfriend---Giania already found her happy ending while me? Eto, kinakarma.
Who would have thought na darating ang araw na pagbabayaran ko ang sakit na naidulot ko sa ibang tao noon?
Giania gave me a half smile, humingi ng paumanhin at nagpaalam na pupunta muna sa mga kaibigan niya. "It's okay Ania, it's okay."
Marahan akong tumingin sa stage, tinitigan ang kapatid ko. She knows everything pero wala siyang sinabi. I know she's still mad pero wala ba akong karapatang malaman?
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at walang paglagyan ang kaba sa dibdib ko. Wala pa man ay nadudurog na ko. Wala pa man ay gusto ko ng manghina at umiyak.
Marahas ang paghinga ko, tumingin tingin sa paligid. "Miss Kysha, okay lang po ba kayo? Namumutla po kayo." Nag aalalang tanong sa akin ng secretary ko.
Wala sa sariling tumango ako at muling bumaling sa stage. Ilang beses akong halos mawalan ng lakas, hindi pa man nangyayari ay parang alam ko ng ikadudurog ko to.
"As you can see everyone, this engagement party is for this two person who treasured each other the most." Kyssa smiled like she's happy saying it but i know her well, she's faking it.
Sandaling tumingin siya sakin pero agad ding nag iwas ng tingin. "This couple were so inlove, no one can break them. Paano ko nasabi? Because i witnessed how they grow together and how they fought for each other. Even they faced their biggest chaos, sila pa din pala sa huli." Tumingin muli sa akin ang kapatid ko.
At sa pagkakataong ito, hinayaan ko nang tumulo ang mga luha ko. Sa kabila ng palakpakan at hiyawan ng mga tao? Eto ako at tahimik na umiiyak.
Sigurado akong pagsisisihan ko ang ginagawa kong pag iyak ngayon. Nasaan na ang pangako kong hindi na ako iiyak ng ganito?
"Please welcome, the couple who amazed us with their love story! Zedrick Kyle Hermosa, Aliandra Nicole Berdin!" Kahit na alam ko na ang mangyayari ay hindi ko pa din maiwasang manghina at masaktan.
Nagsitayuan ang mga tao at masayang hinintay ang pagbaba ng dalawang taong tinawag. Sila pala talaga? Sila pa rin pala talaga.
Sa bawat palakpakan at pagbati, dinudurog nito ang puso ko. Gusto ko ng umalis, gusto kong tumakbo palayo dito.
Zed walked down the stairs holding Alia's hand. Those smiles, his eyes were so happy that makes me want to run away from here.
Paano mo nagawa sakin ito Zed?
Pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay nagtama na ang mga mata namin. Hinayaan ko siya makita ang mga mata kong nasasaktan at lumuluha. Hinayaan ko siyang maramdaman ang sakit na nararamdaman ko.
But his eyes were blank, they're looking at me without any emotions.
Mapakla akong tumawa at umiling iling bago tumalikod.
"Ang kapal ng mukha mong salubungin ako ng tingin na ganyan samantalang ikaw tong nawala na parang bula?" Malamig ang mga mata kong muling ibinalik ang tingin sa kanya.
Nakatingin pa din siya sakin, umiling ako sa kanya at ipinakita ang disappointment ko kasabay nito ang pagtulo muli ng mga luha ko.
Magaling Zedrick, magaling. You never failed to disappoint me.
YOU ARE READING
CLASH OF HEARTS
RomanceWala sa isip ni Kysha Nuriz Mercado ang magpatawad. Para sa kanya, ang nasira na nasira na. Punong puno ang puso niya ng galit at kagustuhang gumanti. Sa pag agaw ba sa boyfriend ng iba ang solusyon? Sa pagkabit ba sa taong may girlfriend ang tangin...