Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang Arabong misyonaryo na si Sharif Makhdum Karim o Karim ul-Makhdum na lumapag sa Sulu.
Ipinagawa nya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan Pulo ng Simunol Lalawigan ng TAWI-TAWI.
Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita parin sa dati niyang kinanalagyan hanggang sa kasalukuyan.
Si Makhdum ay namatay sa pulo ng Sibuto, lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo parin ng mga turista hanggang sa ngayon. Nang taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa bansa at ipinagpatuloy Ang pagpalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum Karim.
Dumating sa JOLO noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Puti ( Princess ) Paramisuli.
Si Abu Bakr ang nag tatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan ay sila ang unang mag asawa ang naging unang Sultan at Sultana.
Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu ang mga Muslim ay naglakbay papuntang Mindanao. Sa pamumuno ni Shariff Muhammed Kabungsuwan Siya ay lumapag sa Maguindanao Cotabato sa taong 1475 at pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna unahang Sultan at Sultana sa Maguindanao.
Sa paglipas ng maraming taon. Maraming Datu na Muslim ang nag punta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina;
Sumakwel, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Dumalogdog, Datu Bangkaya, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula. Si Datu Puti, ang siyang pinuno ng grupo ng mga DATU.
Si Datu Puti, ay dalubhasa sa paglalakbay at silay lumawag sa San Joaquin, Ilo-ilo ang pangalan nito noong una ay Siwarigan. Si Datu Puti at ang mga kasama niya ay binili ang mababang lupa sa Ilo-ilo na nag mula sa may Marikudo, ang pinuno ng mga Ita.
Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay nag tatag sa Panay. Si Datu Puti, Datu Balensula, at si Datu Dumangsil, Ay nag lakbay muli at kanilang narating ang Batanggas na sakop ng Luzon. Si Datu Balensula at Datu Dumangsil ay nag tatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nag balik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan. Isinasalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas.
Nang lumapag si Ferdinand Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika 16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng bansa ng mga Muslim, sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon Ay Islam na.
Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legazpi ang pumalit kay Magellan na napatay ni Lapu-Lapu.
Ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa; Batanggas, Pampangga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan na hindi pa kasali ang mga solidong mga pulo ng Mindanao.
YOU ARE READING
Kasaysayan ng Islam Sa Pilipinas
Non-FictionBabasahin para po sa lahat ng mga Muslim at di-Muslim na Pilipino na nandirito sa Pilipinas at sa ibang lupalop ng daigdig. Ito po ay kaalaman para sa ating lahat na mga Pilipino, muslim man o kristyano kung paano ipinag lalaban ng mga ninuno nating...