Kring.. kring...
Nagising ako sa tawag sa cellphone ko tinignan ko ito at nakita kong si mama pala
Aila anak? Hindi ako makakuwi ng maaga Kaya siguraduhin mong naka lock Ang buong Bahay dahil Ikaw lang Ang mag Isa dyan .. magiingat kadyan Kung aalis ka mag sasabe ka Sakin ... Iloveyou..
Opo mama .. huwag MoKo alalahanin malaki napo ako ingat ka dyan mama
Okay sige tatawagan Kita kapag pauwi nako .. end call..
Dahil sa nagising ako sa tawag ni mama chineck ko Ang oras 4:30 p.m palang pala Kaya naisipan Kong pumunta ng park malapit Dito sa Bahay tinext ko narin si mama bilang paalam ko sa kanya ..
Nag suot ako ng malaking black shirt mahilig ako sa kulay black at pink at sa malalaking t-shirt nag suot ako ng short na tamang tama lang Ang iksi sa aking tuhod .. ganito lang ako manamit isabay pa Ang salamin ko Kase nearsighted ako ibig Sabihin kapag malayo diko makita kapag malapit kitang Kita at dahil Dito lagi akong nasasabihang nerd Diba kahit salamin issue na sa kanila
Nandito nako sa Villa Versace Park maganda Dito tahimik wala pang nambubully Kaya gustong gusto ko Dito naalala ko madalas kami ni papa Dito lalo na nung maliit ako Dito kami nag pipicnic Nila mama at papa sobrang daming memories talagaa ..
Stay! Bhimbow! I said stay, listen to me .. Good Boy .. Give me five ...
sabay kiss nung lalaki sa aso nya Ang cute nilang Pag masdan nakatalikod naman Yung lalaki Kaya ayos lang dun ako sa aso nakatingin Isang Bulldog ...Aray! Aray! Napasigaw ako dahil sa langgam na nangagat sa akin ...
Miss may mga Bahay ng laggam sa inuupuan mo banda (rinig Kong sabe ng Kung sino hindi ko nakita Kase busy ako sa kaka pagpag ng damit ko dahil sa langgam ..
Oho nga po diko napansin mabuti na sabi Salam...hindi ko natuloy Ang sasabihin ko dahil Ang taong kumausap pala Sakin ay Yung lalaking may ari ng aso napatingin ako sa Mata nyang nakatingin Sakin Ang angas ng Mata ng lalaking to Buti pa Sya Yung kilay ganda ng hubog tapos makapal pa ang tangos ng ilong Yung labi kissabl...ayyy ano batong asa isip ko ngayun lang ako ganto at sa harap nya pa nakakahiya
Salamat kuya nasabe mo diko Kase napansin ..Pag babalik ko sa aking wisyo..
Miss Meron ka... Sa ano mo... Meron kang ano..
OMYY! napasigaw ako Kaya napahinto Sya sa Pag sasalita Napabulong ako sa Sarili ko Meron ako? Wala pa naman dipa dapat ako mag kakaroon pero nakakahiya toh Meron ako dirty white pa naman suot Kong short tumagilid ako para di Sya matingnan sa Mata at tinakpan ko Ang short ko gamit mga palad ko mabuti nalang naka oversized shirt ako at black pa Kaya medyo matatakpan Ang dugo Kita ko sa Peripheral vision ko na nakatingin Sya Sakin shocks nakakahiya Kaya pala kanina parang may problema puson ko akala ko normal na sumakit lang ..
Nagulat ako sa ginawa nya pinahiram nya Sakin Yung jacket na suot suot nya kahit di panya ako kilala at sa tulad kopa
Eto gamitin mo ...sabe nya Sakin sabay Lagay ng jacket sa bewang ko para matakpan Ang tagos ko ..hindi ko alam gagawin ko parang nag halong kahihiyan dahil sa tagos at Pag papahiram nya Sakin ng jacket Kahit di nya pa ako kilala at sa tulad kopa at meron din kilig dahil Sya lang Ang nakagawa Sakin nito at naramdam Kong may naging concern Sa aking Ibang tao kahit di ako kakilala ...
Pa..pa..sensya na .. putol putol Kong Pag kaka sabe sabay yuko dahil sa hiya ..
Hindi to libre ibalik mo Sakin tong jacket Kase sa papa ko toh galing ..biglang seryosong tingin nya Sakin at nawala ng Bigla nya akong ngitian ..
Ah opo ibabalik ko sa yo promise ho yan...(Shit bakit ambilis ng tibok ng dibdib ko nakakainis ....)
Hahahaha ...
(nagulat ako sa Bigla nyang Pag tawa)Huwag kang mag ho o mag opo at kuya sa kin nakakatanda eh mukang mag sing edad lang naman tayo hahaha...Bhim Kosin (sabay ng Lahad ng kamay nya Sakin hindi ko alam Kung tatanggapin ko Kase nga Diba pinangtakip ko sa tagos ko)
Bigla nyang kinuha Ang kamay ko para makipag kamay sa kanya
Huwag kang mag alala hindi naman ako maarteng lalaki tsaka isa pa normal lang yan .. sabe niya Sakin
Sorry nahihiya lng ako Kase marumi palad ko tsaka salamat sa pagpapahiram mo ng jacket Sakin utang na loob ko sayo tong bagay nato..
Ano kaba wala yun Kung may tagos din ako ganun din gagawin mo kung may jacket ka din Diba?
(Hindi ko alam magiging reaksyon ko ibig Sabihin bakla Sya? )
Don't hahaha nag jojoke lang ako sayo baka isipin mo bakla ako ..sabay tawa nya..
Ah muntikan na hehhe sabe ko ..
At Ikaw si? Tanong nya ulit Sakin
Ahh ako si Aila Visencio ..dyan lang ako nakatira sa highV street, nag iisang black Ang gate sa lugar nayun sa amin yun baka Kase isipin mo diko na ibabalik tong jacket mo Kaya sinabi kona Kung San ako nakatira ..
HAHAHAHA tama naman okay lang ..pero salamat ahha atlis kapag dimo binalik alam kona Kung San kukunin.. Ms. Aila sabay ngise nya Sakin doon ako sa highL Street nakatira blue na gate..nagiisa pahabol nyang sabe
Okay thankyou ulit Mr. Bhim haha natawa akong halos Sabihin Kase konti nalang Mr. Bean na
HAHAHA wag yan Bhim nalang
Arf...arf...arff..
Sabay kaming napatingin sa aso nya na si bhimbow naaalala ko sinabi nya at di narin mahirap kalimutan Kase sinunod nya ang bow sa Bhim na pangalan nya..
Sige ha mauna na kmi gusto ng umuwi ng aso ko!! Sigaw nya Kase tumakbo na si bhimbow
Sige salamat ulit ha .. promise ibabalik ko .. at lalabhan ko!! Sigaw ko pabalik sa kanya ...
Nilagapak ko Ang katawan ko sa kama kasabay ng pag iisip na kakaiba tong Araw natoh na bully ako pero nakilala ko si Bhim at bhimbow na aso nya .. Katatapos kolang labhan jacket nyang Golden state warriors Ang tatak fan ata Sya ng GSW parehas kami si stephen curry Ang gusto ko at mukang Sya rin Kase no. 30 Ang nakalagay sa jacket , kailan Kaya ulit kami mag kikita? Aheheyie... Ay loka! Bakit koba Sya iniisip! ano batong nangyayari? Aila tumigil ka baka sa susunod isa na Sya sa mga nambubully Sakin hayytss makatulog na nga muna
YOU ARE READING
HEY! BULLIES
RandomHi guyss hoping na magustuhan nyo Ang pagbabasa nito.. . Sa mundong ito Marami tayong gustong matupad mga Pangarap na walang kasiguraduhan Kung matutupad o Hanggang Pangarap nalang ba talaga .. Pero si Aila Ang bida sa istorya natoh Ang tanging Pang...