ISANG understatement ang sabihing na-culture shock ako sa mga baong kwento ni Princess at Jake, at kita ko sa mga awkward na tawa ni Ysa na pareho ang sitwasyon namin. Mukhang adventurous type pala si Princess at Jake. Kasama rin namin ngayon sa Jollibee si Max na high school friend ni Jake at gumagatong sa lahat ng kwento niya.
Sobrang comical ng pagkekwento nila kaya kalaunan ay natanggal din ang shock ko. Hindi ko sila hinuhusgahan—hindi lang talaga ako na-expose sa mga ganoong kwento. Hindi ko alam kung dahil masyado akong reserved o baka dahil masyadong inosente ang tingin sa'kin ng mga kaibigan ko kaya hindi ako nababahagian ng mga gano'ng life wisdom.
Sabay kaming naglakad pabalik sa loob ng campus ni Ysa dahil pareho kaming dormers sa Men's Dorm. Sumakay ng jeep si Princess pauwi sa bahay nila sa Bay, at iniwan naman naming naghihintay ng jeep pa-Forestry si Jake at Max.
Nakalimutan ko na ang kwento kung bakit Men's Dorm ang pangalan ng dorm namin kahit mga babae ang nagdo-dorm sa building. Naputol ang pagmu-muni muni ko nang magsalita si Ysa.
"Anong unit ka pala?" tanong niya sa'kin.
"Unit 2 sa may second floor. Ikaw?"
"Unit 3 pero sa first floor naman. Kumusta naman roommates mo?"
"Hindi ko pa sila nakakausap sa totoo lang. Medyo awkward nga," amin ko.
"Oo nga eh. 'Yung mga roommates ko rin, hindi ko pa gaanong nakakausap."
Sobrang lumanay ni Ysa. Iniisip ko na kung magalit man siya ay hindi ko mahahalata dahil cute lang siya tingnan. Makukwento niya sa susunod na gano'n daw ang nangyayari kapag naiinis siya mga kaibigan niya.
"Bye! Dito na ako," kumaway siya at naglakad na sa kabilang direksiyon ng dorm. Apat kasi ang building para sa iba't ibang unit. Ang unit 1 at 2 ay magkatapat, habang ang unit 3 at 4 naman ang magkatapat. Kaya naman magkabilang dulo halos ang unit namin.
Mahaba ang naging araw ko at masaya naman akong may mga naging kakilala na ako sa mga ka-course ko. Hindi ko alam kung sa Lunes ay papansinin pa nila ako, pero ipagdarasal ko na lang na gano'n ang mangyayari. Napag-usapan na rin namin ang schedule ng mga klase namin. Magkaklase kaming tatlo ni Princess at Ysa sa lahat ng subject pati ang una namin klase sa PE sa Lunes. Si Jake naman ay kaklase lang namin sa dalawang major na subjects.
Bago umakyat sa kwarto ay nag-refill muna ako ng tubig sa itim na tumbler ko sa water dispenser na pinagsasaluhan ng lahat ng dormers ng dalawang unit. Kalaunan mararanasan kong buhatin ang galon ng tubig sa dispenser para palitan ang galon na wala ng laman dahil hindi ginawa ng huling kumuha ng tubig. Minsan, may tutulong sa'yo na dumadaang kapwa dormer, pero madalas ay wala.
Pumasok na ako sa kwarto at binati ng awkward na hello ng mga roommates ko. Dalawa sa kanila at VetMed at ang isa naman ay Bio. Noong una ay mayroon pa akong hope na maging close kami kahit papaano, pero asyadong magkaiba ang energy level naming apat para maging magkakaibigan.
********
Nasa taas ng bunk bed na nakatapat sa pinto ang pwesto ko sa kwarto namin. Hindi ko man gusto ay mas okay na rito kaysa sa baba na tapat na tapat mismo sa pinto at halos wala ng iwang privacy sa kaluluwa mo.
Magka-share kami ng study table ng isang roomate ko na VetMed, na mukhang rabbit. Kinausap niya si mama noong hinatid niya ako rito kaya okay ang tingin ko sa kaniya. Wala naman kaming magiging problema sa pagshe-share ng study table sa kabuuan ng semester. Pero iyon ay dahil iba ang magca-cause ng problema.
Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago tuluyang magpalit ng damit at umakyat sa higaan ko. Hindi pa officially nagsisimula ang school year kaya napag-desisyunan ko munang manood ng series na dinownload ko sa laptop bago dumating rito sa Elbi. May libreng WiFi naman sa campus na abot sa dorm namin, pero sa hindi malamang rason ay swertehan lang ang connection nito sa kwarto namin. Mayroon ding mga site restrictions kaya tinuruan pa akong mag-VPN ni Ysa sa kalagitnaan ng semester.
Humiga na ako at binuksan ang laptop ko para manood. Napagdesisyunan kong panoorin na ang huling season ng Thai series na Hormones: The Series. Habang nanonood ay ramdam ko ang pag-init ng laptop na nakapatong sa binti ko. Lumang model na 'to, at secondhand na nabili para kay Kuya noong college siya. IT kasi ang kinuha niyang course. Wala naman kaming pera kaya masaya na ako na may nagagamit akong laptop, sadyang feeling ko ay nagliliyab lang talaga ang binti ko ngayon.
Nakailang bago ako ng pwesto ng higa habang nanonood bago mapag-desisyunang matulog na. Kani-kanina ay nagpaalam na ang isa naming roommate na VetMed na papatayin niya na raw ang ilaw. Pumayag naman kaming lahat.
Habang nakahiga ay nag-iisip isip lang ako. Hindi pa naman ako gaanong naho-homesick, pero aaminin kong medyo naluha ako sa nakatalikod na figure ni mama noong naglalakad na siya pasakay ng bus para umuwi nang hinatid niya ako. Makakauwi rin naman ako after two weeks.
Patulog na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.
huddlebong: yo, squirrel. kumusta?
squirrel: *sent a sticker*
huddlebong: pakinggan mo 'to
Maga-ala una na nang magkayayaan na kaming matulog. Si huddlebong ay isang Fine Arts student sa sikat na state university sa amin. Naging magkaklase at magkabarkada kami noong huling taon ng Senior High School. Sa mga kwento niya ay mukha namang nae-enjoy niya ang pinag-aaralan niya at ang company ng mga kasama niya sa course niya. Mukha ring masaya siya na tumira kasama sa dorm ang mga kaibigan niya.
Gaya ng nakagawian tuwing nag-uusap kami, binalikan ko ang mga dati naming conversation at pati ang kanina lang naming pag-uusap. Hindi ko rin alam bakit ko ginagawa iyon. Para i-relive 'yung moment? Para tingnan kung anong maling sinabi ko? Para i-double check kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga sinabi niya? Hindi ko rin alam.
Sinubukan kong pumikit pero lumilipad ang isip ko pabalik sa lahat ng nangyari ngayong araw at noong mga nakaraang buwan. Ayos naman ang lahat kung tutuusin, pero hindi ko maiwasang mag-isip na panandalian lang ang ganitong maayos na state. Sana ay mali ako.
Sa gitna ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang unti-unti na palang pumasok sa sleep state ang katawan ko.
********END OF SECOND ENCOUNTER********
BINABASA MO ANG
We Met at Freedom Park
Short StoryThree friends. Three stories. Three different paths. It all started one sunny day at Freedom Park.