Ang pagmamahal ay isa talagang sugal. Hindi pwede na ikaw lang ang mahal at hindi mo sya mahal. Kasi kung isa lang ang nagmamahal hindi ito totoong relasyon. Sa isang relasyon mahirap kapag isa lang ang nagmamahal, mahirap kapag isa lang ang nag eeffort. In the first place, it isn't a healthy relationship.
Pero hindi naman nga natin masisi ang iba na piliin ang mahal ka. Sabi nga sa kanta "Mahal ko o Mahal ako"? Kasi kung papipiliin ako, mas pipillin ko din na "Mahal ako". Sino ba ang aayaw sa mahal ka hindi ba? Ang sarap kayang mahalin ng iba. Ang saya na may nagmamahal sayo. Ang saya kapag laging may nag eeffort sayo. Pero natanong mo na ba ang sarili mo kung kaya mo din syang mahalin pabalik? Hindi masamang piliin ang taong nagmamahal sayo pero sana hindi puro sarili mo ang iisipin mo. Sana kung hindi mo talaga sya kayang mahalin sana bitawan mo na. Sana kung hanggang kaibigan lang ay deretsahin mo na as in sabihin mo na.
Masamang gamitin ang iba para sumaya ka. Kasi sa isang relasyon its give and take. Hindi pwedeng ikaw lagi. Hindi porket alam mo na mahal na mahal ka nya ay aabusuhin mo na sya. Kasi tandaan mo kahit gaano ka pa nya kamahal kapag napagod at natauhan yan, maari syang mawala sayo. Kaya hangga't may chance pa para mahalin sya ay subukan mo na. Because we never know if tomorrow it's still us. Baka isang araw magising ka na lang na kung kailangang mahal mo na sya ay sya itong sumusuko na. A pity to us.
At kung ang pumipigil sayo kaya hindi mo maipakita o masabi na mahal mo sya ay dahil sa takot ka na masaktan kasi baka iwan ka din nya. Baka lokohin ka lang nya kasi ito yung naririnig mo sa iba. Mag-isip ka munang mabuti. And I can't blame you to feel or think that way. But habang buhay ka na lang bang matatakot? Kasi paano kung sya na pala talaga ang para sayo. Hindi lang naging totoo kasi hindi mo sinubukan o hindi ka sumugal. Kasi kung gusto mo na mahalin ka dapat handa ka din na magmahal. Ang hirap kasi sa atin gusto lang natin lagi tayo ang masaya, tayo ang binibigyan ng atensyon tapos hindi naman natin ito magawa sa taong sobrang mag effort sa atin, which is sobrang mali. Nasasanay tayo sa ganitong mindset na tayo na lang lagi. Dapat ang salitang "kayo" ang masaya hindi ang salitang "ikaw" palagi. Gusto mo laging magkaforever pero ang tanong nag-eeffort ka ba para magkaroon nito? Tapos sisihin mo lagi si tadhana sa huli? Big wrong.
So what will you do? Magiging matapang ka ba na sumugal o magpapadala ka na lang sa takot. Kasi for me mas maganda na yung sinubukan mo. Kasi we cannot tell the future in the first place. Mas maganda na yung sinubukan mo kaysa naman habang buhay kang may "what ifs" kasi wala kang ginawa. If you are afraid to fail or to be hurt it's given. Pero tandaan mo lahat tayo ay nasasaktan, kaya kung masasaktan ka hindi ka nag-iisa. Kung iiyak ka hindi lang ikaw ang umiyak dahil sa pag-ibig. Sabi nga nila kakambal talaga ng saya ang sakit. At kung hindi ka masasaktan hindi ka matututo.
Just don't worry about how much it will hurt. Simply go with the flow and see what you can learn from it. Because first and foremost, we are human beings who grow stronger and better as a result of our experiences.
Kaya sana kung magmamahal ka huwag kang matakot sumugal. Minsan lang tayo makakatagpo ng totoong pagmamahal kaya papalampasin mo pa ba ito? Kasi love will really bring out the best of you. And love is really the best thing that we can really have.
BINABASA MO ANG
A Cheater's Alibi
Teen FictionThe truth is none of us were afraid of falling in love. Because in reality, we all want to be love and be loved. People are just scared of being hurt and betrayed by someone they love and trust. But how can we consider it LOVE if we didn't feel the...