Condo 2

497 18 2
                                    

4
Samantha POV

Sh*t ang sakit ng ulo ko, yun ang una kong naramdaman pagka gising ko. But wait! Parang di ko yata kwarto to ah. Nilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng kwarto, nasan ba ako? Anong ginagawa ko dito sa di ko kilalang kwarto? Naguguluhan sabay kong tingin ng sarili ko sa ilalim ng kumot na nakabalot sakin. Bat nag iba ata ang damit na suot ko? Nasan ba talaga ako? Sabay tayo ko.

Pero teka bat parang familiar ata ang amoy ng buong kwarto na to. Parang naamoy ko na to dati e.

Saka naman biglang bumukas ang pinto na dahilan ng dali dali kong paghiga sa kama at nagkunwaring natutulog. Iniluwa naman ng pinto ang isang basa pa ng pawis na Alyssa Valdez. Teka nga anong ginagawa ko dito? Shucks! May katangahan ba akong ginawa kagabi? Sheeyyt na malagkit! Bakit wala akong maalala? Ano ba kasing ginag--

"I know your awake. Stop fighting with yourself. Go fix yourself then lumabas kana. I'm just going to take a bath then kakain na tayo ha. Alam kong masakit ang ulo mo." Putol niya sa pag iisip ko. At saka lumabas kaya dali dali naman akong nagpunta sa banyo niya dito sa kwarto. Ginawa ko na ang morning routine ko at pagkatapos ay lumabas na din to find where her kitchen. Nakita ko naman siyang nakaupo sa table habang nag sisip ng coffee niya.

"Did I do stupid things last night?" Awkward kong ngiti sa kanya.
Tinignan naman ako nito ng blanko. Anong problema nito? Mukhang bago ata to ah isang Phenom nagsusungit.

"Eat." Tipid niyang saad sabay abot sakin ng pagkain. Tahimik lang siya kaya tumahimik nalang din ako. Tumayo naman ito pero mukhang di pa naman tapos. After a minute bumalik siya with a cup of coffee and a medicine.

"Drink this coffee para mainitan ang tiyan mo and after you eat drink this medicine." Saad niya.

Namamangha ko naman itong tinitigan. She matured a lot. Ilang years na ba last namin nagkita? 1 and half to 2 years? And a lot of things change. Parang mas lalo siyang naging fit at mature. She isn't the same person I was close with. Para siyang big star for me now.

"Stop staring at me like that." Nakatitig niyang sabi sakin. Iba talaga tong Alyssa na nasa harap ko. If she's attractive before.. My G! She's more attractive now when she's showing this side of her.

"I was wondering lang naman, Sissy if umandar na naman yong stupidity ko. " Napakamot kong saad sa kanya.

"Actually you did terrible but its for you to find out. I don't want to tell you what happen, I want you to remember it. I don't want to assume anything. " Seryoso niyang saad.

Napaisip naman ako what really happen last night. Bat pa kasi nalasing ako ng sobra e. I only remember na di ako pinayagan ni Jay na pumunta last night na naging dahilan ng pag aaway namin. Isa din tong baldo na to ang dahilan kagabi e. I don't know why but I feel so jealous with ben dahil nasa kanya ang buong attention ni Alyssa last night.

Ito namang babaeng to pa cute lang ang ginawa di niya ba alam how attracted yong ibang boys sa kanya. Not only the circle we have last night but those person na nandoon din kagabi.

"Ako maghuhugas ha and I used the toothbrush na isa kanina sa room mo. Mukhang di naman nagamit e" saad ko sa kanya.

"No biggie" tipid niyang sagot sabay balik sa kung ano man ang ginagawa niya. Tinitigan ko naman ito ulit. Why do I still feel something na di ko kaya burahin after all this years? Napaka humble parin ng babaeng to and napaka simple. That's why I don't mind having a huge crush sa kanya e.

Ang sarap panggigilan! Hindi lang mabango, napakalinis pa sa sarili. Ang sarap halikan. Saka naman ako nakaisip ng kalukuhan.

Lumapit ako sa kanya and sit on her lap sabay tinitigan ko siya at akmang hahalikan. Nagulat naman ito and parang nanigas sa kinauupuan niya so I playfully kiss her sa cheeks sabay harap sa laptop niya na kanina niya pa kaharap. At nagsisi naman ako sana di ko na ginawa kasi pagharap ko ako naman ang nagulat. May kausap pala siya at mukhang teammates niya at heads.

Paktay, Samantha! Ito yong katangahan ee!

The Queen and The PhenomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon