Patay ang emosyon sa loob ng madilim na silid kung saan nagkukubli ang isang babae. Itim na itim ang tuwid nitong buhok habang walang emosyon ang berdeng mga mata nito. Nakaupo ito sa isang gilid habang pinupunasan ang dala nitong katana.Nakakabingi rin ang katahimikan sa loob ng silid at nakakabaliw ang sinisigaw na panganib dito. Tanging ang liwanag lamang ng buwan na pumapasok sa maliit na bintana ang nagbibigay tanglaw sa madilim na kwarto.
'All Students! Gather inside the arena in five minutes.'
'I'll repeat. All students! Gather inside the arena in five minutes.'
Mistulang robot na sabi ng announcer sa speaker na siyang bumasag sa naghaharing katahimikan sa loob ng madilim na silid. Dahan-dahang ipinasok muli ng babae ang dalang katana sa loob ng lalagyan nito, tila walang pakialam na limang minuto lamang ang ibinigay na oras sa kanila upang magsitipon sa loob ng arena.
Walang ingay itong tumayo at lumabas ng naturang silid. Hindi rin mababakasan ng kahit anong emosyon ang bukas ng mukha nito. Ang paghinga niya'y banayad rin at kalmado, tila ba ito ang personipikasyon ng kasabihang 'the calm before the storm.'
"Get out of my way bitch," sabi ng isang babaeng halatang British dahil sa accent nito. Binangga pa nito sa kanang balikat ang babaeng may bitbit na katana.
Ngunit hindi man lang nito ito binigyan ng pansin at kalmado pa ring naglalakad. She needs more energy tonight and tiring herself by hurrying and giving fuck to some stupid nonsense will just lessen her energy.
Hindi kasi katulad ng iba, wala siyang ibang kinatatakutan maliban sa sarili niya. Kahit sino pa ay kaya niyang kitilan ng buhay ng walang pagdadalawang-isip. Kahit ang Highness pa, kaya malakas ang loob niyang maglakad ng kalmado at hindi na magmadali.
Hindi naman sinasadyang makuha ang pansin niya ng isang babae na may kulay pulang buhok na naglalakad sa unahan niya, mga ilang metro lang rin ang layo sa kaniya. Nakatirintas ang mahabang buhok nito. Natural rin ang kulay ng buhok ng babae dahil nasa lahi na nila ang pagkakaroon ng ganitong kulay ng buhok.
Katulad niya ay mabagal rin itong naglalakad habang nilalaro sa kamay ang dalawang daggers. Walang pakialam sa ibang mga estudyante na halos magbanggaan na sa sobrang pagmamadali. Bakit kasi kailangan pa nilang tumakbo, makakarating rin naman sila sa arena? Masiyadong takot ang mga ito sa posibleng parusa na ipapataw sa kanila.
Mabilis ring napansin ng babaeng may pulang buhok ang presensya ng babaeng may dalang katana sa likod niya kaya huminto ito sa paglalakad at liningon ito. At nagtapo ang kanilang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso niya at biglang binalot ng kakaibang kilabot ang buong katawan niya. Napahigpit ang kapit niya sa dalawang dagger na hawak at pilit na kinalma ang sarili. Hindi naman siya mabilis matakot pero ano iyong naramdaman niya kanina? Sino ba ang babaeng may dalang katana sa likod niya?
"Aren't you gonna hurry? Two minutes na lang, malalagot na tayo kay Highness." Biglang may nagsalita sa gilid niya dahilan para matigil ang malalim niyang pag-iisip. Itong lumapit naman sa kaniya, it's a girl with a European beauty. Hindi niya rin ito kilala at kung bakit siya nito kinakausap, hindi niya alam kaya hindi niya na lang ito pinansin. She sighed and begin to walk again pero sinabayan lamang siya nito sa paglakad. Muli pa niyang pinakiramdaman ang babaeng may dalang katana sa likod nila pero matinding panganib lamang ang naramdaman niya.
"Wait, bakit hindi ka nagsasalita? Katulad ka rin ba nila na nabaliw na? Pero sila ang iingay at mga paranoid masyado, bakit ikaw hindi nagsasalita?" Walang preno sa pagsasalita ang bibig ng babaeng lumapit sa kaniya.
"Hey red hair, can you talk? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Siguro naman oo kasi lahat naman tayo marunong magsalita ng lahat ng lengwahe sa mundo. Hindi ka rin naman mukhang pipi—"
BINABASA MO ANG
The Six Aces: R E B O R N
ActionUNEDITED!!! THIS IS THE REVISED VERSION OF TSA. WARNING: R16+ | RATED SPG!!! ____________________________________________ Story description: In the night when crimson blood had showered down the battlefield, demons from hell emerge, driven by a sin...