ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡAko si Kurt, meron akong apat na kaibigan at lahat sila ay may powers.
Siya si Pom, ang leader ng grupo namin. sya kasi yung nanlilibre kaya sya na yung ginawa naming leader. X-ray vision ang powers nya, para sa mga naruto fan, parang byakugan ganon. Nakakakita sya sa malayo kahit pa may nakaharang, nakikita din nya yung loob ng pantalon mo hahaha pero may side effect yun na pampaantok kaya di nya gaano ginagamit.
Siya si Dan, pinaka bata samin. Super Strength ang powers nya, siya yung pinanglalaban ng school namin sa mga ibang school sa taekwondo. 3 times narin syang international gold medalist. Gem siya ng school namin kaya pinapasa parin siya kahit mabababa grades. Diba nga grade doesn't defined who you are? Lahat tayo may angking talino, yung sa kanya physically.
Yan naman si Euro. Napaka babaero nyan, ay mali, lalakero pala. Yes oo, gay siya. Pero hindi yung gay na pinapangarap baging babae, mascular sya tas napaka gwapo. One time nga nagka crush sakin yon pero one time lang, mga one minute. Touch and Order yung powers nya hahaha diko ma explain, basta kapag nahawakan nya yung isang tao, pwede nya utusan. Pwedeng suic*de, pero di kami nababahala kasi di gumagana yun sa mga gifted gaya namin.
Siya naman si Khird. Sa aming lahat, siya ang may pinaka magaling na powers. Kaya nyang i pause yung oras, hindi time controlling ha? Hinihinto lang niya yung oras tas lumalabas yung soul nya para makapag observe sa paligid habang nakahinto yung oras. Example may bumaril, tas hininto ni Khird yung oras, maagapan nya yung bala, tas pag nabalik na nya yung oras, makakaiwas sya. Kala nga namin nung una nakikita nya yung future e, pano ba naman kasi di namin sya ma surprise pag birthday nya.
At eto naman ako. Di kopa tukoy yung powers ko. Pero sabi nila, 'kapag mas matagal mo natutukoy ang abilidad mo, siguradong maganda yon'. Pero sabi lang nila yon? Ewan ko ba.
X5 ang tawag ng karamihan samin dahil lima kami tas yung X kinuha lang sa XMEN. Consistent honor kami sa school lagi kaming top 1. Kahit si Dan nga top 1 kasi may plus sa grade yung pagsali sya sa mga olympics.
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
*Bell ringing*
"Yes time na, nagugutom narin ako eh" my classmate confidently said
"Hay naku dipa tapos discussion ko e" kumunot ang noo ng professor namin
"Ok lang yan sir ala din namang natututo" patawa ni Claire
"Bastos ka ah! Go to the guidance counselor!" Galit na galit na sinabi ng professor
"Oops sir, baka gusto nyong ipa cancel ko yung ipapatayong building at ikaw ang sabihin kong rason nito?" Pataray na sinabi nito
"Edi ipa cancel mo. WALANG MAY PAKE" sinigawan ko siya
"Ah ok sige…" dumukot siya sa bulsa nya
Tumawag si Claire sa daddy nya
"Dad naka bili kana ng mga gamit sa ipapatayong building?"
"Hindi pa, bakit kailangan naba?"
"That's better dad, i cancel na natin yung idodonate natin na building"
*Hang out*
"Bye:)" lumabas si Claire at pumunta sa guidance Counselor
"Bat mo sinabi yun?! Alam mo ba kung gano ka halaga yung gagawing building? Tang*na naman Kurt!" Galit na sinabi ni professor
"Ikalma mo yan sir. Eto inom ka muna ng biogesic, alam kong may lagnat ka. Alam mo ba? Dapat biogesic lagi mong iniinom na gamot. Maingat siya alang side effects tapos malakas pa. As in effective agad pag inom mo. 4.00 each lang sya sa mga drugstore tas 6.00 - 10.00 sa mga suking tindahan!" I said sarcastically
YOU ARE READING
Dead Roses
Ciencia FicciónThere's a gang in a university called X5. They're all gifted. They had their own power. Their goal is to find the truth about Khird's dream. All right reserved 2022 ©Syncr0