Chapter 1

2.8K 67 37
                                    

Kasalukuyan akong naghahanda papunta sa lugar kung saan magaganap ang shooting ng unang pelikula na pagbibidahan ko, bago pa lang ako sa industriya na ito dahil kapapanalo ko lang last year sa isang reality show na sinalihan ko sa network na kinabibilangan ko ngayon.

Sa lumipas na isang taon ay naranasan ko na ring mapasama sa ilang tv shows, teleserye, at movie pero hindi ako ang bida ro'n. Ngayon lang talaga ako magkakaroon ng palabas na ako ang leading lady kaya napakataas ng expectations nila sa akin.

"Davi, are you ready? Aalis na tayo, baka malate na tayo." Rinig kong saad ni Ally, ang manager ko at kaibigan ko na rin. Matanda lang siya sa akin ng limang taon.

"Hindi pa ako ready. Kinakabahan ako." Aminadong sambit ko, sobra talaga ang kaba ko dahil marami rin akong natanggap na pambabash nang malaman nila na bibida ako sa isang movie.

"Bakit ka naman kinakabahan? Tungkol na naman ba 'yan sa mga bashers mo? Hayaan mo sila, huwag mo kasi silang masyadong pinagpapansin." Seryosong sambit niya.

"Pero kasi ano baka tama naman ang sinasabi nila na hindi ako bagay dito sa movie na ito."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "Tandaan mo 'to, mas marami kaming magtitiwala at nagsusuporta sa 'yo. Makakaya mo 'yang movie na 'yan, magtiwala ka lang sa sarili mo. Isipin mo 'to, hindi ka nila kukunin para sa movie na ito kung hindi ka magaling o kung hindi ka nila nakikitaan ng potential sa pag arte."

"Maybe, napipilitan lang sila na kunin akong bida dahil ako panalo sa reality show nila? Hindi ba gano'n naman 'yon? Okay lang sa akin kahit supporting role na lang sana." Inalis ni Ally ang pagkakahawak sa balikat ko at sinamaan ako ng tingin dahilan para mag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Sabi ko nga magaling ako kaya ako kinuha dito sa movie."

Makalipas pa ang ilang minuto ay bumyahe na rin kami papunta sa sinabing lugar na pagshoshootingan. Habang nasa byahe ay pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na magagawa ko ng maayos ang trabaho ko at hindi dapat ako kabahan, dapat pa akong maging proud at masaya dahil sa dinami raming artista ay ako pa ang napili nila para magbida.

It's an honor din kaya 'no.

Makalipas ang ilang minutong byahe ay dumating na kami sa pagshoshootingan. Hindi pa man ako nakakababa sa van ay nagbalik na naman ang kabang nararamdaman ko.

Paanong hindi kakabahan? Puro bigating artista ang kasama ko pati ang leading man na si Dix Jimenez. Sobrang sikat pa sila samantalang ako parang naligaw lang.

Parang saling pusa siguro gano'n.

"Davi, bumaba ka na. Hinihintay ka na nila." Inip na sambit ni Ally sa akin. Pinagbuksan na rin nila ako ng pinto.

"Nilalagnat ako, balik na lang kaya ako bukas?" Sambit ko bago pilit na ngumiti.

"Tatadyakan kita kapag hindi ka umayos. Bumaba ka na." Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto niya dahil bukod sa nagtataray na siya ay takot ako sa kanya.

Masyado talaga akong masunurin.

Pagbaba ko sa van ay pinaliwanag sa akin lahat ni Ally ang gagawin. Hindi ko lang siya basta manager at kaibigan na gumagabay at nagbibigay ng payo sa akin, para ko na rin siyang nakatatandang kapatid, masungit nga lang, nangungurot pa minsan.

"Davi, huwag mong iparamdam na nahihiya ka at kinakabahan ka. Ang dapat mong gawin ay ipamalas ang kakayahan mo sa pag-arte, ipakita mo na deserving ka nga talaga sa role na ito."

"Paano 'yan, hindi ko nga feel na deserving ako." Napakamot ako sa pisngi ko.

Muli na namang tumalim ang tingin ni Ally. "Ang kulit mo, Davi. Kanina ka pa. Gusto ko bang kurutin kita?"

"Hindi po." Itinikom ko na ang bibig ko at nakinig na lang sa mga sunod niyang sinabi pa.

Sino ba naman kasing tanga ang gugustuhin makurot?

Nang matapos siya sa pagbibigay ng payo sa akin at pagpapalakas ng loob ko ay naglakad na kami papunta sa ibang casts at staff ng movie.

Pagpapakilala at kumustahan ang nangyari habang hinihintay namin na dumating ang ibang artista na wala pa dito kabilang na si Dix, ang leading man.

"Ang ganda mo naman." Papuri sa akin ng isang veteran actress na makakatrabaho ko.

"Salamat po." Pilit akong ngumiti dahil baka mamaya binibiro lang ako nito.

Aaminin ko na sa pakikipag-usap sa mga makakatrabaho ko ay medyo nabawasan ang kaba ko. Tuwang tuwa pa ako sa pakikipag-usap sa co-artists ko nang marinig ko ang hiyawan ng ilang tao na manonood ng shooting.

"Nandito na si Dix!"

"Ang kinis niya, grabe! Anong tubig mo idol?"

"Ang gwapo pa niya!"

Ilan lang 'yan sa mga narinig kong isinisigaw nila. Tinignan ko rin kung saan sila nakatingin at doon ko nakita si Dix na mukhang kalalabas lang ng kotse niya, nakashades pa siya.

"Edi ikaw na sikat." Mahinang sambit ko nang makita na pinagkaguluhan siya ng mga fans niya. Halos harangin na lang ang iba kaya hindi na nakalapit sa kanya.

Ang maganda dito ay nakipagpicture naman siya sa mga gustong magpapicture at nag-autograph din.

"Sorry pero kailangan na ni Dix magtrabaho, next time na lang ulit kayo magpapicture at manghingi nf autograph. Babalik pa naman ulit kami dito." Rinig kong sambit ng manager ni Dix habang naglalakad na sila palapit sa amin.

"Grabe rin kasikatan ni Dix 'no?"

"Ay, nako! Sinabi mo pa. Paano ba naman kasi, child star 'yan, gwapo pa at magaling umarte kaya hindi naalis ang kasikitan niya. Ang swerte ni Davinna." Rinig kong bulong ng ilang staff.

Napangiwi ako, ano kayang swerte ro'n? Kung alam niyo lang, gusto ko na ring magback out dito, 'no.

Nang makalapit si Dix Jimenez sa amin ay nagtanggal siya ng sunglasses niya. Nakipagbeso at fist bump siya ibang casts at staffs.

Bahagya akong lumayo sa kanila dahil nahihiya ako pero ilang sandali lang ang lumipas ay nasa harapan ko na si Dix. Bahagyang umangat ang kilay habang nakatingin sa akin.

"Davinna Sandoval, right?" Tumango ako at hindi nagsalita.

Tumingin siya sa paligid namin bago siya lalong lumapit sa akin. Akala ko ay bebeso siya pero hindi 'yon ang nangyari, may ibinulong siya sa akin.

"Ayaw kitang maging leading lady kaya magback out ka na habang may oras pa. Hindi ka nababagay sa akin." Bulong niya dahilan para mapatunganga ako.

Matapos no'n ay lumayo siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko bago naglakad palapit sa director ng pelikula.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Possessive Co-ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon