"Anong ginagawa niyo?" nagtatakang tanong ko at lumapit sa kanila. I pulled Miro beside me. "Bakit ba?" bulong ko sa kaniya.
Umiling lamang sa akin si Miro. Hindi niya inaalis ang masamang tingin doon sa isa na ngayon ay pinapagpagan ang nagusot niyang damit.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil wala talagang maisip na dahilan kung magkakaganiyan ang dalawa.
Kay Hendrix na lamang ako bumaling. "May ginawa ba siya?" tanong ko sa kaniya dahil imposibleng siya ang nagsimula dahil hindi naman siya pala-salita.
Katulad ni Miro, hindi siya sumagot. Napakamot ako sa gilid ng labi. Hindi na ako nakaimik pa noong tumalikod na siya sa amin. I slapped Miro's stomach when he was about to grab him again.
"Enjoy," malamig na saad ni Hendrix habang tuloy-tuloy ang pag-akyat sa hagdan.
Ngumiti sa akin si Miro at pumasok sa kusina. When he went out, he was already holding the pitcher of juice. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong nangyari, ha? Inaway mo? May ginawa sa 'yo? Ano?" Halos magpapadyak na ako sa inis dahil walang nakuhang kahit isang sagot sa kaniya. Umakbay siya sa akin at dire-diretso lamang sa paglabas ng bahay na para bang hindi ako naririnig.
Noong makarating kami sa tent ay inulan siya agad ng hampas ni Sheena. Sinabayan ko ito ng masamang tingin sa kaniya.
"Edi sana nasa kalahati na tayo ng movie ngayon," sunod-sunod na reklamo ni Sheena na ngayon ay nakatutok na ulit sa laptop niya.
"E' malay ko ba kung saan nakalagay ang mga nila sa kusina?" pagsisinungaling ni Miro kaya napaismid ako. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko at bumulong, "Stop glaring at me. Baka makahalata pa 'yan si Sheena.'
Naiinis na inalis ko ang kamay niya sa bibig ko at kinurot iyon. Natatawang dumaing naman siya kaya napatingin sa amin si Sheena. I smiled at her widely. Dumikit na lamang ako sa kaniya at yumakap sa kaniyang braso. May space pa rin ang tent namin. I think this was good for 5 people.
"The Conjuring?" I asked upon watching the intro of the movie that was playing in her laptop. "3?" tanong ko pang muli.
Nakita kong nagbukas ng pagkain si Miro. "Napanood ko na 'yan, e," sabi ko at isinandal ang ulo sa balikat ni Sheena. Ayos lang naman sa akin na ulitin ito dahil maganda naman. May unan sa dibdib naming tatlo dahil nakadapa pa rin kami.
"Lahat naman ata ng horror ay napanood mo na, Sabrina," komento ni Miro kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakikisagot pa talaga, e.
I watched the movie silently with them. The Conjuring movies was interesting for me. Sa lahat ata ng napanood ko ay ito lang ang naging favorite ko. Along with The Nun and Annabelle movies, of course.
I got lost in my deep thoughts. This felt like the happiest night I have ever had. It was my first time experiencing this. First time playing in a playground. First time sleeping outside. First time sleeping over with friends. It was as if... I felt free for the first time.
We spent the whole night watching scary movies. Hindi na kami nakaayos ng higa dahil sunod-sunod na ring kinain ng antok.
Nagising na lamang ako dahil may mabigat na bagay sa tiyan ko at inaalog-alog ang balikat ko.
"Tita Sab! Tita Sab! Wake up! Wake up!"
"Okay... I'm awake, Miles." Minulat ko ang mga mata ko at ang malaking ngiti sa labi ni Miles ang una kong nakita. Napailing na lamang ako habang nangingiti.
Sinilip ko si Sheena sa aking tabi. Gising na rin siya dahil sa ingay ni Miles. Umupo na ako at agad na hinampas ang balikat ni Miro dahil tulog na tulog pa rin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/254549065-288-k525812.jpg)
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionHendrix Villanueva, the only heir of the Villanueva's. He was told to marry a girl that is a complete stranger to him. As much as he wants to disobey his parents, he can't do anything because of his grandmother's condition that his parents are using...