01

8 3 0
                                    

Mga luha'y ’di mapigilan sa pagtulo
Hindi alam kung ano ang dahilan
Mayroong masakit, ngunit hindi matukoy kung saan
Pagod na’t naliligalig ang aking isipan

Mga pangarap na matatayog noon
Hindi ko na matanaw ngayon
Lumihis ba ako ng daan?
O sadyang gumuho na ito sa mga panahong nagdaan?

MakulimlimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon