Prologue

1 0 1
                                    

Prologue

"Angel! Labahan mo na 'to! Ang kupad mo!"

Napa ngiwi ako sa sigaw ng boss ko, nangangatulong kasi ako sa mag asawang Hindi mag karoon ng anak.

Pang tustos lang sa pang araw araw na pangangailangan ko.

Dali dali kong sinunod ang sinabi ni Boss. Mahirap na pag nagalit sya, baka mawalan ako ng trabaho, yari na naman pag nag kataon.

Pero kahit ganito ang buhay ko ay ayaw kong sumuko, gusto kong matupad ang pangarap ko at mamuhay sa pinapangarap kong estado.

Hindi ako nawawalan ng pag asa kay God na balang araw ay matatapos din ang pag hihirap ko at giginhawa ang aking buhay.

"Ma'am tapos na po akong mag laba." Wika ko sa aking boss. Naka taas ang kilay nito at pinag mamasdan ang mga nilabahan ko, inabot ako ng hapon dahil medyo madami 'yon.

"Kung tapos ka na ay maaari ka ng lumayas, na-a-alibadbaran ako sa pag mumukha mo." Inirapan nya ako at tinalikuran na.

Kada lingo ang sahod ko at sabado palang ngayon, tinitipid ko talaga ang mga perang nahahawakan ko.

Kada weekends full day ang trabaho ko sakanila at Monday to Friday ay 6 Pm hanggang 12 Am lang dahil may pasok ako.

Hindi naman kalayuan ang apartment na nirerentahan ko dito kaya nilalakad ko lang.

Dinukot ko sa aking bulsa ang tinapay na baon ko, dapat ay tanghalian ko ito pero hindi ako nakakain dahil nag lalaba ako.

Akmang kakagat na ako sa tinapay nang may maramdaman akong humihigit ng laylayan ng damit ko.

Nilingon ko yon at laking gulat ko nang makita ang isang payat na payat na bata.

Napuno ng awa ang puso ko dahil sa nakita.

"A-ate... Palimos po. Pang kain lang." Wika ng maamos na bata. May mga galos din sya at puro dumi ang katawan pero hindi ako nakaramdam ng pandidiri.

Lumuhod ako sa harap nya, naisip ko yung tinapay ko na dapat ay aking tanghalian, ito lang ang meron ako ngayon.

Naka ngiti ko itong ibinigay sa batang babae. "Ito oh. Sayo na ang tinapay ni Ate." Iniabot ko sakanya ang tinapay, labis na galak ang nakita ko sa mata nya.

"Naku! Maraming salamat Ate! Hulog ka ng langit! Para kang Angel!" Tuwang tuwang ani ng batang babae.

Napangiti ako, ang sarap sa pakiramdam na maka tulong sa kapwa. Kahit anong lupit saakin ng mundo ay hindi ko magagawang pag malupitan din ang mga taong pinag kaitan din ng mararangyang bagay o kahit pang araw araw na pang kain man lang.

Masayang tumakbo ang batang babae sa isang gilid, doon ko napansin na may kasama syang isang matandang babae na bahagya nang maka upo dahil sa katandaan.

Nag iwas ako ng tingin, bakit ba ganito ang mundo?

Inilibot ko ang tingin, may mga dumadaang mga tao. Karamihan sa kanila ay nag tatawanan, sa kalsada naman ay nakikita ko ang mararangyang sasakyan at nag tataasang gusali kasama na ang mga sosyal na kainan.

At this point, while staring at the different side of the world i wonder who's really unfair?

The world or the human it self?

My eyes lingered at the sight. While standing on my ground I took a glimpse of how world really works.

Bumuntong hininga ako.

i should get  going, mag pasalamat nalang dapat ako kay god na kahit papaano ay may nakakain at natitirahan ako, maswerte padin ako sa buhay kong ito, maraming mas nag hihirap kaysa saakin, dapat ay pasalamatn ko padin si god sa mga ibinibigay nya saakin.

naalala kong lingo pala bukas. aagahan ko nalang ang gising para maka pag simba ako. dapat kasi ay 6;30 ay nasa trabaho nako kung hindi ay lagot ako sa aking amo.

pagod din ang dahil sa mga ginawa ko kanina marapat lang na mag patuloy na ako sa pag lalakad. kinusot ko ang mata dahil napuwing ako ng alikabok galing sa dumaan na sasakyan habang nag lalakad. hindi ko namalayan na maypapa rating na rumaragasang bus.

nan idilat ko ang aking mata ay nasilayan ko ang nakakasilaw na ilaw na nang gagaling sa bus.

nanlaki ang mata ko kasabay ng maingay na busina nito.

Lord... ito na ba ang katapusan ko?

pakiramdam ko ay bumagal ang ikot ng mundo,ganito ba pag mamatay na? sa di kalayuan ay nahagip ng mata ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo lang at mukhang may hinihintay na mang yari, ngunit nang makita nya ako ay nan laki ang mata nito na napuno ng kalituhan.

his dark aura with his black outfit were  the last thing i saw before everything turns pitch black.




kym|16

Angel's Grim reaper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon