Chapter 4 I confess mo naman!
Aries PoV
Nag bihis ako ng shirt at pants tas boots. Medyo malamig na kasi sa labas dahil winter season na pasko na eh kaya nandito ulit kami.
"Oh san ka?" Ayun nahuli ni kuya lux.
"Lalabas kuya mamimili ng regalo." Tinanguan naman niya ako sinuot ko nalang yung leather jacket ko.
Habang nag lilibot ako ay naka kita ako ng mga tao at may pinapanuod malakas din ang music duon.
"Anong meron?" Tanong ko sa isang babae na papunta don.
"May street dance ang Lead Entertainment ngayon!" Masiglang sagot niya.
Nag pasalamat lang ako sa kanya. Pinag iisipan ko kung papanuorin ko ba pero mukhang may sariling utak ang katawan ko! Naki siksik ako sa mga tao hanggang sa maka abot ako sa harap.
"Walang kupas." Bulong ko nang makita ko si ni-ki na nag fe-free style.
Ilang oras din silang nag perform at kahit gutom ako ay di nako umalis sa pwesto ko. Napako na ata yung mga paa ko dun. Hayst.
Habang nag liligpit sila ay aalis na sana ako pero may naka kita sakin na member din nila.
"Oi aries!" Tawag niya sakin napa pikit nalang ako bago humarap sa kanila.
"Hi!" Bati ko sa kanila at yumuko bilang respeto sa kanila.
"Kailan kapa naka uwi?" Tanong pa ni alice.
"Oum 1 week nako dito." Nahihiyang sabi ko.
"Tsk. Di man lang nag pasabi." Bulong pa ni ni-ki.
"Ay LQ sila iwan mo muna sila jan alice."Sigaw ni konon. Ayon na iwan kaming dalawa ni ni-ki dito ang awkward.
"Oum,g-gusto mong kumain muna?" Aya ko sa kanya. Tinignan niya lang ako tapos nilagay sa likod ang bag niya.
"Kumain ka mag isa mo." Walang emosyon na sagot niya.
Gusto kong umiyak sa inasta niya wala naman akong karapatan umiyak kasi kasalanan ko naman,pero diko talaga mapigilan eh ang sakit.
"Riki!" Tawag ko sa pangalan niya pilit pinupunasan ang mga sariling luha para di niya makita.
"Umiiyak ka na naman!" Sermon niya sakin.
"Sorry!" Umiiyak na talaga ako. Ito pa lang kasi yung time na inignora namin yung isa't-isa.
Bumoga siya nang hangin bago niya ako yakapin.
"Sorry din." Bulong niya. Niyakap ko lang siya pabalik.
"Wag kana umiyak ang pangit mong tignan." Pang bubuska niya sakin.
"Naman eh!" Tinawanan niya lang ako.
"Want some takoyaki?" Agad akong tumango sa kanya na ikinatawa niya.
Sinamahan ako ni ni-ki mamili nang mga regalo pati siya binilhan ko na. Binilhan ko na siya kanina pa nung di pa kami nag kita ,syempre inuna ko yung kanya.
Gabi na nung maglakad kami papunta sa station at malamig na talaga nag sisimula na kasing mag snow.
"Bakit mo ba kasi iniwan ang jacket mo?" Natawa nalang ako sa kanya kanina niya pa kasi ako pinupuna. Naka jacket naman kasi ako pero hindi yung winter jacket.
"Naka jacket na nga ako oh." Asar ko pa sa kanya. "Itay!" Napahawak ako sa nuo ko dahil puta pinitik niya na naman ako sa nuo ano bang trip nitong lalaking to!
"Sa susunod na lalabas ka ng bahay niyo siguraduhin mong mag dadala ka ng winter jacket!" Sermon niya pero di niya ako na tiis. Hinubad niya yung jacket niya at pina suot sakin.
"Thank you!" Naka ngiting pasasalamat ko sa kanya.
"Tse,tigas talaga nang ulo mo." Pag mamaldito niya kaya natawa nalang ako. Scarft nalang ang panlaban niya sa lamig ngayon. Naka sweter naman siya pero di sapat yun.
"Awsss tatampo ang hapon ko." Niyakap ko siya para ma asar siya pero imbes na ma asar niyakap niya lang ako pabalik.
Yikesss kinikilig siya...
Putcha sinong,kinikilig hindi ahhh!
Puta anong pumasok sa utak ko nag takoyaki lang naman kami kanina ah. Punyetaaaaa nababaliw nako!!!
Nang maka uwi sa bahay ay panay ang tukso nila sa amin,di nalang din namin sila pinapansin dahil sanay na kami.
Dito narin matutulog si hapon,di ko na pina uwi masyado na siyang pagod kakasayaw noh! Tas sinamahan niya pa ako,kawawa naman.
Pareho na kaming naka higa nang hapitin niya ang bewang ko palapit sa kanya.
"Binabalak mo?" Tanong ko. Yung puso ko tumatakbo ata.
"Yayakap lang eh!" Pag mamaktol niya,niyakap ko nalang siya pabalik.
Naka sobsob siya sa may dibdib ko nang magsalita siya.
"Ayaw kong maniwala sa love at first sight nung una pero parang totoo ata yun." Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.
"Inlove kana?"
"Hindi ko alam." Baliw din to kausap minsan eh.
"Kahit kailan ka talagang hapon ka." Usal ko.
"Pero nung makita kitang umiiyak nung araw na yun,yung puso ko pinipiga." Pagpapatuloy niya di muna ako nag salita.
"Kaya nilapitan kita. Nung nginitian mo ako nung araw na yun at inayang mag laro diko alam kung bakit pero sobrang saya ko nun,ikaw pa lang yung unang babae na naka kuha nang attention ko bukod kay mama at sa mga kapatid ko." Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya pero hindi marunong mag sinungaling si ni-ki.
"Ni-ki an---" naputol ang sasabihin ko nang pumantay siya sa akin at mag salita.
"Iwan ko pero ang alam ko lang mahal kita hindi bilang kaibigan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nababaliw na ata tong si hapon ehhhh!!!
Mahal niya din ako? Huwaaaa
Teka anong 'din?' Baliw ka na ba aries?"
"Ni-ki ano bang pinag sasabi mo jan?" Kunwari ay natatawang tanong ko.
"Seryoso ako aries." Ano ba to? pano nangyari to?
"Riki matulog kana pagod ka lang,tsaka nagugulohan." Sermon ko sa kanya.
"Sana nga nagugulohan lang ako." Bulong niya habang naka tingin sa kisami.
Naka talikod ako sa kanya at di tanggap ang sinabi niya hindi pwede yun,hindi pwede pupunta na siya sa korea mag ti-trainee na siya don.
Hindi pwedeng may sabit siya. Hindi ko siya pwedeng mahalin pabalik dahil magkaibigan lang kami.
At hanggang dun nalang kaming dalawa at hindi na lalampas dun ang relasyon namin sa isa't-isa.
Pero hanggang don lang ba talaga ang lahat?.......
YOU ARE READING
A Dancer's First Love
SonstigesPangarap ang dapat unahin bago ang pag-ibig. Yang ang masa utak palagi nang isang Aries Grace Fakkisab. Ang nag iisang anak na babae sa kanilang pamilya. Anong magagawa ng pangarap mo kung tinamaan ka na talaga ng todo sa kaibigan mo? It's Nishimura...