Chapter 09

496 22 28
                                    

Chapter 09

Samber’s Point of View

“Goodnight po, Ate Sammy. Maraming salamat po para sa araw na ‘to. Nag-enjoy po ako.” Nakangiting sabi sa‘kin ni Lesley na siyang pinakahulihan kong inihatid.

Ngumiti naman ako sa kaniya saka bahagyang yumuko at ginulo ang buhok niya. “Ako rin, nag-enjoy rin ako dahil kahit papaano ay nakapag-bonding tayo ng mga kaibigan mo.”

“Hindi ka po ba magtatagal dito sa‘tin, Ate Sammy?” nahihimigan ko ang kalungkutan sa boses niya dahilan para medyo malungkot din ako.

“Hindi Lesley, eh. Pero nandito pa rin naman ako hanggang bukas. Pero huwag kang mag-alala dahil dito naman ako magpapasko, at sabay rin nating sasalubungin ang bagong taon.”

“Talaga po, Ate Sammy?” nakikita ko sa mga mata niya ang labis na tuwa kaya naman nakangiti akong tumango. “Yehey! Excited na po ako, Ate Sammy!”

“Ako rin.” Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. “Oh, sige na, pumasok ka na sa loob at magpahinga. Matulog ka na, ah? Goodnight, Lesley.”

“Goodnight din po, Ate Sammy. See you po bukas. Mag-iingat ka po pauwi!”

“Salamat!”

Nang isarado na niya ang pintuan ng bahay nila ay saka lang ako tumalikod at umalis.

“Sammy! Sammy sandali!”

Natigil ako sa paglalakad nang marinig kong tawagin ako ng mga kapitbahay kong babae, mga junior high school sila. Sina Mareth, Jada, at Tida.

“Bakit?”

Lumapit silang tatlo sa‘kin na halatang mga kinikilig kaya naman umiwas ako ng bahagya sa kanila.

“Nakita kita kanina! Kasama mo sina Sandro, Simon at Vinny!”

“Ang swerte mo naman! Mga kaibigan mo ba sila?”

Tumango ako, “hmn.”

“Talaga? Grabe! Ang swerte mo naman! May gusto kasi kami sa tatlong iyon, eh!”

EH?!

“May number ka ba ni Simon, Sammy? Ibigay mo nga sa‘kin, gagawin ko siyang textmate!” parang nauulol na sabi ni Jada dahilan para magpintig ang tenga ko!

“Ano kamo?” pigil inis na tanong ko sa kaniya! Ano raw? Ha! Nahihibang na ba siya?!

“Ibigay mo kako iyong number ni Simon at gagawin ko siyang textmate! Oh, gets mo na?”

Ang kapal ng mukha niya! “Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo, Jada?” nararamdaman ko na ang inis ko at ang bahagyang pag-iinit ng ulo ko!

“Siyempre, oo! Hello, Sammy? Bobo ka ba?! Dali na! Ibigay mo na kasi!” ang kapal ng mukha niyang utusan ako!

“Ako rin, Sammy! Ibigay mo sa‘kin iyong numero ni Sandro!”

“Kay Vincent din! Dali na!”

Mga peste kayo! Lumayo kayo sa‘kin at talagang hahagis kayo kapag hindi ko napigilan ‘tong init ng ulo ko! “Inuutusan niyo ba ako?”

“Bobo ka talaga, eh ‘no? Hindi ba halata?! Siyempre, oo!” singit ni Mareth na talagang pinandilatan pa ako ng mga mata!

Ha! Isa pa! Isa pa!

“At bakit ko naman gagawin iyon?” naasar na talagang tanong ko! Ipaalala niyo sa‘king high schooler kayo dahil kung hindi ay talagang papatulan ko kayo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now