Good Girl 2

738 19 18
                                    

Hi! Kung nabasa niyo ang Good Girl (short story) Eto po ang book 2 niya. Hindi ko alam kung bakit ko siya ginawan ng part 2 kahit short story lang naman siya hehe basta bigla ko na lang sinimulang i-type siya nung asar na asar ako kaya viola! may ganito haha...SORRY kung di niyo magustuhan ang part na ito. Pwede namang huwag niyo na itong basahin at mag-stick na lang kayo sa kwento ni Bella at Axel :))

Salamat po sa mga magbabasa at makaka-appreciate nito.

Good Girl 2

The Second Chance

Naging masama ako sa paningin ng lahat pero may isang taong nakakita ng tunay na ako.

Yung tunay na ako na kahit sarili ko hindi alam. Paano ko masasabing yun nga ang tunay na ako kung hindi ko ganun ka kilala nag sarili ko.

Paano ko pa mapapatunayang tama siya kung siya mismo ay wala na.

~~~~~~~~

“Bella, hinahanap ka ni Sir.” Napatigil ako sa ginagawa ko at agad kong binalingan ang katrabaho ko.

 “Okay.” Iniwan ko muna ang ginagawa ko at kaagad na pinuntahan ang manager namin.

 “Hinahanap niyo raw po ako, Sir.”

 “Oo, Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa kita pinagmamasdan at napansin ko ang mga pagkakamali mo. Ang dami ng nagrereklamo dahil sa mga pagkakamali mo.” Alam kong nagtitimpi lamang siya. Kung katulad pa rin siguro ako ng dati kanina ko pa siya minura-mura at nilayasan kaso hindi na ako katulad ng dati.

“Sorry po Sir, May gumugulo lang po kasi sa isip ko.”

“Hayy…ilang beses ng nangyari ito. Natatandaan ko nung nakaraang taon, sa mismong araw din na ito madami kang kapalpakang ginawa. Bakit ba sa tuwing sumasapit ang araw na ito nagkakaganyan ka? Katulad ng palagi kong ginagawa…papalampasin ko ito pero sana maghinay-hinay ka kasi baka sa susunod wala na akong magawa. Dapat ko atang tandaan na huwag kang papasukin kapag sumasapit ang araw na ito.” Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na. Umuwi na muna ako dahil iyon ang gusto niya nang hindi ako masyadong magkaroon ng kapalpakan sa trabaho.

“Ano ba kasing pinaggagagawa mo sa buhay mo Bella? Ilang taon na ba ang nakakaraan pero bakit nakakulong ka pa rin sa alaala ng kahapon.” Napahiga na lang ako sa kama ko pagkatapos kong magbihis ng pambahay.

“Ilang taon na. Ilang taon ka ng wala pero bakit sariwa pa rin yung mga salitang sinulat mo noon…Axel.” Napapikit ako.

Mahigit apat taon na akong ganito. Simula kasi nung mabasa ko ang sulat niya pinilit kong baguhin ang sarili ko. Pinilit kong ipakita sa lahat yung pagkataong nakita niya sa akin. May mabuti namang naidulot iyon dahil naranasan ko rin magkaroon ng kaibigan at natuto akong makisalamuha sa iba sa normal na paraan.

Kaso kahit ano palang pilit mong maging mabait at maging pasensyosa darating at darating ka pa rin sa punto kung saan alam mo ng hindi mo kaya. Yung tipong pinakasukdulan na.

Ginawa ko naman lahat para lang maging isang mabuting tao kaso wala pa rin. Umalis ako dahil nagkaroon kami ng problema ng pamilya ko. Kaya ko namang sundin ang gusto nila kaso sa pagkakataong iyon hindi ko kaya. Hindi ko magagawa ang gusto nila. Mahirap sa umpisa. Mahirap dahil hindi naman ako pinanganak na nagbabanat ng buto para mabuhay. Pinanganak kasi akong may nakahain na sa harapan  ko lahat ng gusto ko.

Nung umalis ako tsaka ko lang naintindihan na ganito pala talaga ang realidad ng buhay. Ganito pala ang nararanasan nung mga taong pinanganak na walang ginto o pilak na kutsara na nakasubo sa kanila. Kinakailangan pa nilang magtrabaho hangga’t kaya nila para lang makakain at may panggastos sa susunod pang mga araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Good Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon