CITI'S P.O.V
"Hoy." naramdaman ko ang pagyugyog sakin ng isang lalaki dahilan para maalarma ako.
Inabot ko ang braso ng lalaki at agad itong inikot para ito ay tuluyang mabali
Iminulat ko ang mata ko at agad akong napabitaw sa braso ng lalaking katabi ko ngayon sa kotse.
"NABABALIW KANA BA?! Uggh... Aray.." ramdam ko ang sakit sa mga daing ng lalaking ito..
Hindi ako nagsalita at agad akong umupo sa driver's seat (na upuan din nya) dahilan para mapabukaka sya at bigyan ako ng space sa upuan agad kong inusog paatras ang upuan upang kami ay magkasya.
"H-Ho-HOY.. N-naBABALIW KANA BA?!" at sa ikalawang beses hindi ko sya sinagot at tuluyang nag maneho papunta sa pinakamalapit na ospital.
Nang makarating kami agad akong lumabas at hinila sya papasok sa ospital..
"A-a-arr-ayy naman pwede bang magdahan dahan ka..." ramdam ko sa boses nya ang sakit na nanggagaling sa kanyang braso
"S-sorry.."
Agad naman syang nagamot at sinabing hindi naman seryoso ang lagay ng braso nya. Pero hindi nya ito masyadong igalaw galaw dahil sa ugat na naipit sa braso nya.
"Bawas to sa sweldo mo hoy"
Hindi ko sya pinansin dahil alam ko naman.
"Hindi ko naman kailangan ng pera mo eh" simpleng sagot ko.
"Tapusin lang talaga natin itong taong to.. " dagdag ko pa.'Bakit ko ba kasi kailangang gawin to' sabi ko sa isip
Paano nga ba nagsimula ang lahat?
*FLASHBACK*
Naglalakad lakad lang ako nang may makita akong babaeng binubugbog ang isang lalaki.
Agad akong lumapit dito.
"HOY MISS" Sigaw ko sa babaeng nambubugbog
Hindi ako nagdalawang isip na balibagin ang babaeng nasa harapan ko.
Hindi porket babae sya may karapatan na syang manakit ng lalaki.
Syempre unfair sa mga lalaki dahil pag sila nanakit mabilis lang na pwede silang kasuhan.
Pero pag babae hindi pinapansin?
Aba parang ikahihiya ko lang na naging babae ako.
Narinig ko ang ungol ng babae sa lakas ng pag laglag nya sa semento at hindi sya pinansin.
Nilapitan ko ung lalaki para patayuin at alalayan ito
"Kuya.. Okkaa---" hindi nya ako pinatapos.
"MISS BALIW KABA!?" pasigaw na sabi nung lalaki
"T-tumutulong lang naman ak-ako eh.." sabi ko.
"TUMUTULONG? EH NAKATULONG BA ANG PAGBUGBOG SARADO MO SA GIRLFRIEND KO!?"
Aba aba. Sya pa ang galit sya na nga ang tinulungan.
"Eh tanga kaba?! Binubugbog sarado kana nang girlfriend mo tapos prenteng prente ka lang?! Masarap bang mabugbog?! Edi sana ikaw nalang pala binubog ko!" hindi ko napigilang sumigaw.
Nasa lugar kami kung saan wala masyadong tao kaya siguro naman walang nakakakita saamin.
"Ako pa ang Tanga!? EH HINDI MO NAMAN KASI ALAM ANG BUONG STORYA BAKIT NANGINGIELAM KA?!! SINABIHAN BA KITANG TULUNGAN MO AKO?! TUMAWAG BA AKO NANG TULONG?! HINDI NAMAN DIBA?! KAYA SA SUSUNOD WAG KANG MANGINGIELAM NG WALA KANG ALAM KASI WALA KA NAMAN TALAGANG ALAM!" Sigaw ng sigaw tong lalaking to.
"Tss. Skandaloso"
Tinalikuran ko sya dinapot ang bag ko at tuluyang umalis.
*ILANG ARAW ANG NAKALIPAS*
Nakakailang ikot na ako dito sa park malapit sa bahay namin dahil ramdam ko na may nasunod saa akin.
Napagdesisyunan kong umuwi nalang at syempre dumaan muna sa shortcut.
Dumaan ako sa maliit na eskinita na wala masyadong tao.
Binagalan ko ang lakad ko para mapakiramdaman ang galaw ng lalaking sumusunod saakin.
Hindi ko maaninang ang mukha nya dahil naka mask sya at shades idagdag mo pa ang hoodie nya.
Ang init init sa pinas tapos ganyang pormahan ang trip.
Nang naramdaman kong palapit sya saakin mabilis pa sa alas kwatro kong naibalibag ang lalaking ito.
"Sino ka at anong kailangan mo?" sino nga ba to?
Tinignan ko ang mukha nya at..
Laking gulat ko..
"I-Ikk-Ikaw?"
TO BE CONTINUED...
____________
AN: hello sainyo. Ako ay nagbabalik hehe pasensya napo talaga at ngayon lang ako nakagawa ulit. At tatapusin ko na po ito hehe promise kaya sana po suportahan nyo po itong bago kong story maaasahan nyo po na patatawanin,paiiyakin at pakikiligin ko po kayo gamit ang storyang ito maraming salamat po!!.
BINABASA MO ANG
365 Days with MR. PERFECT
Teen FictionCiti Arielle P. Saragoza Joax Alexander T. Verdantes ©2016 Chloe-004™