Chapter 2

9 2 0
                                    

CITI'S P.O.V

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" inis na tanong ko sa hayop na katabi ko.

"Wala akong kasama eh. Besides limang oras lang naman ang usapan sa kontrata diba." sabi nito habang nagtitingin tingin ng sapatos.

Nasa likod na nya ako ngayong naglalakad habang dala dala ang mga pinamili nyang damit,sapatos,bola at kung ano ano pa.

Tinitignan ko lamang sya habang nag lalakad.

'ang laki pala ng katawan nitong lalaking to pero nabugbog ng girlfriend' sabi ko sa isip isip.

Tumigil kami sa isang stall sa may foodcourt ng mall at bumili sya ng tubig.

Dalawa ang tubig na binili nya.

Aabutin ko na sana ung isa kaso tinaasan nya ako ng kilay at kinuha ito.

'aba't kung hindi nga naman kalahating poknat at kalahating pigsa to' inis na sabi ko sa isip. Tinignan ko lamang syang uminom ng tubig.

Infairness anlaki ng mansanas ng lola nyo.

Tumigil sya sa pag inom at tinignan ako

"Alam ko namang gwapo ako pero wag mo naman akong titigan nakakailang kaya" kinindatan pa ako.

Napahilamos nalang ako sa muka at pukinaenae.

Tinalo pa ata neto ung kanta na i believe i can fly sa sobrang taas ng pangarap eh.

Ibinaling na nya ang tingin sakin at muling itinuloy ang pag inom.

Sa sobrang bwisit ko idinertso ko ang kamay ko na naka 180° degrees at itinama ito sa lalamunan ng lalaking mukang pigsa na to.

*Cough**Cough**Cough*

Walang tigil ang pag-ubo nya at dinuduro duro ako.

"Buti nga sayo" sabi ko at inilabas ko ang dila ko dahilan para lalo syang maasar.

Naglakad ako palayo sakanya.

"Ugkk.. Saa-ugkk.. Saan ka-Ugkk pupunt-Ugkk.. Pupunta!"  paubo ubong ani nya.

"Sa opisina ng mall. Mag rereklamo lang ako akala ko panaman strikto ang mga guards dito pero di nila alam may nakapasok na palang hayop" nakangising sabi ko.

Dinuro duro lang ako ng lalaki katabi ko na ngayon. At hindi sya makapagsalita dahil sa lala ng pag ubo nya.

Ngayon ako naman ang nangunguna. Nagtingin tingin naman ako habang hawak ko parin ang mga pinamili nya.

Ramdam ko namang sinusundan lang nya ako sa likod ko.

Dirediretso lang ako sa mga boutique na nakikita ko nagiikot tapos hindi bibili.

Ayoko na kasing bumili masyado ng gamit dahil baka sumobra ang baggage ko pag alis ko.

Iniinis ko lang talaga ang lalaking nasa likod ko ngayon.

"Wala kabang balak bumili?!" alam kong bwisit na sya dahil sa tono ng boses neto.

Muka namang mission accomplished na ako haha. Ilang minuto nalamang ay mag aalas otso na ibig sabihin tapos na ang gawain ko ngayon araw.

Umakyat ako sa pinakataas ng floor ng mall at tumigil sa pinakadulong stall dito.

Tinignan ko ang aking relos.

10..9..8..7..6..

"5...4...3...2...1  Time's Up" Inilagay ko sa magkabilaang kamay nya ang mga paper bags na pinamili nya at kinawayan sya paalis.

365 Days with MR. PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon