1st One shot! : >
•••••♥♥••••••
Fiole's POV
"Magnanakaw." Yan nanaman sya. Huhuhu,Wala bang araw na hindi nya kong tatawagin na magnanakaw. Nahuhurt kasi ako. Sabihan ba naman ako ng magnanakaw, Bakit pangit ba ako? Para sabihan ng magnanakaw? Kakainis,sana Thief na lang para mas sosyal pa -.-
As usual dinedma ko lang sya. Para habulin nya ko.. kunwari stalker. O DIBA! HAHA. Talino ko talaga!
" Hoy! Magnanakaw may nahulog ka" sigaw nya. Napatingin ako sa kanya, May nahulog ba ko? Nako baka meron nga.
Pumunta ako sa kanya. " Ano yung nahulog ko?" Ngumisi naman sya sakin. OMG KILIG TO THE HEART NA TO. " Yung wallet ko---" nung narinig ko yun ay umalis ako bigla. Urggh Kairita.
Kinikilig na sana ako e. Kaya lang kasi pinagbintangan nya kong kinuha ko yung wallet nya. Ang dami-daming taong nandoon. Tsaka anong gagawin ko sa wallet na mahal na mahal nya? Mas madami pa ata ang baon ko sa baon nya.
Pero crush ko sya e. Sige, Pagbigyan dahil crush ko sya may last chance na sya sakin hihihi.
Dumiretso na ko sa classroom at umupo sa upuan ko. Kainesss wala rin yung bestfriend ko, Wala akong paglalabasan ng kalokohan ni crush. :' >
Kahit ganun sya sakin kinikilig pa rin ako...Kasi kinakausap ako ng crush ko hihihi.Habang kinikilig ako ay Dumating si Maam with dark clouds above her. Ehh? May period kaya si maam? Or something?
"Class do anyone of you knows.. who stole the bag of our dear pricipal?" Seryosong sabi ni maam.
Nakita ko naman na nagtaas ng kamay si
Jio. Yes, Jio sya yung tumatawag sakin ng magnanakaw at ang crush ko : >Tinignan naman ni maam si Jio at pinagsalita ito.
" Maam si Fiole po yun! nanakaw nya nga po yung ano ko---" napatingin naman ako sa desk ko. Shet kahit ba naman dito. Wala na turn off na ko! Jio Bye.
"Enough with the jokes Mr. Jio! This is a serious matter" sigaw ni maam,umupo na lang si Jio at narinig ko na ang tawanan ng mga kaklase ko habang ako naman ay nagpipigil na umiyak.
Patapos na sana ang klase namin ng dumating ang mga SC.
"We just want to announce that we will open our Jail Booth tomorrow 8:00 am for our Valentines Day Special that's all" pagkatapos ng announcement ni Governor ay nagsi-hiyawan ang mga kaklase ko.
Hay nako jail booth!
•valentines day special•
Presentation namin ngayon, Kaya naka-shorts at red tshirt ako. Sunod na kaming magpeperform at ang last performer ng Valentines Day Special namin.
Natapos agad ang performance namin at nagsibabaan agad sila para magbihis. At ako naman ay hindi agad nakapagbihis dahil napuno agad ang cr kaya gumala-gala muna ako.
Pumunta ako sa upuan ko at Kukunin ko na sana ang tumblr ko nung may humawak sa kamay ko. " Punta ka sa jail" sabi nung isang sc sakin at pinapasok ako sa jail booth nila at pinaupo sa isang monoblock. Hala!
"Jio ikaw muna bantay dito ha magpapahinga muna kami. Goodluck!" At nag-thumbs up si gov kay Jio.
Hala Uli!
" Pwede na bang umalis dito? Ako na lang ang tao dito" Sabi ko sa kanya with matching tass kilay pa.
" So anong tingin mo sakin? Hindi tao?" Oo unngoy ka! " Bakit ka pala nandito nagnakaw ka nanaman siguro no? Syempre ang dami mong nanakaw na puso ngayon " HA? ANO DAW?!
" ANO?! FYI hindi ako nangunguha ng mga puso ng sumasayaw ako sa stage! Syempre nakadikit sa stage yun tapos kukuhanin ko! Shunga!" Sigaw ko sa kanya at binelatan sya.
"Ikaw Slow haha. Tignan mo nagnanakaw ka uli!" Okay naiinis na ko! May iba kayang mga mata to? Abnormal na Shunga.
"Ano ba ninanakaw ko sayo! Sa wallet ako. Palagi na lang ako. Ako. Bakit ba ako palagi?!" Naiinis kong sabi sa kanya.
"Kasi mahal kita" seryosong sabi nya.
"Huh?" Eto na ba yung moment nainiimagine ko?
"Magnanakaw ka kasi ninakaw mo ang wallet kong mahal na mahal ko. Magnanakaw ka kaya nararapat ka talaga sa jail booth dahil..." huminto sya saglit at tumitig sa mga mata ko. "..kasi ninakaw mo ang puso ko"
OMHYGEE TALAGA gusto nya pala ako.
"OMG! KINIKILIG AKO! SHATTAP! " O.M.G. nasabi ko ba yun? Napatakip ako sa bibig ko.
"Haha! Kakaiba ka talaga Fiole!" Natatawang sabi nya at lumapit sakin.
"Kasi nanakaw mo puso ko." Sabi nya sabay yakap sakin.
Okay. Dahil lang sa jail booth...Nagaka-aminan kami :">