2

824 23 2
                                    

Dear ME,

Oh anyare sayo magandang binibini?! Alam mo naman siguro na para kang sira kanina sa job interview mo!!! Basahin mo ng maayos!!! Mga tatlong beses para maabsorb mo, o kaya limahin mo na!!!

Oo, tatlo talaga ang exclamation point para ramdam na ramdam mo ang inis ko sa pagsagot mo ng pautal-utal kanina! Pasalamat ka at hindi pa masyadong intense iyan kasi hindi pa capslock! Pero gusto kong malaman mo na nakakainis ka ng sobra!!!

Alam kong hindi mo forte ang Java Programming, pero sana naman sumagot ka pa rin ng matino dun sa interviewer! ( _ _) Naglakas loob ka na ngang subukan ang trabahong iyon, hindi mo pa sinagad naman ang lakas ng loob na iyon hanggang interview. Nakita mo ba iyong tingin nung interviewer sayo? Grabe! Parang gusto niyang sabihin sayo kanina na nag aksaya lang siya ng oras sayo. Hayy!

Alam kong naprepressure ka na kasi May na pero wala ka pang nakukuhang trabaho habang iyong mga kaklase mo ng college ayan sila at kanya kanyang post ng mga salitang "I'M HIRED!". Nanlulumo ka na. Tama ako, diba? Pero hindi pa ito ang panahon para sumuko. Nag uumpisa palang tayo. Kaya please lang naman oh? Pwede bang mas lakasan mo pa ang loob mo? Sige na noh? Kaya mo iyan!!! Aja! Fighting!

Labis na nagmamahal,
ANG NAGLALAKAS LOOB NA IKAW ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear ME,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon