Swing

31 2 0
                                    

"Ikaw naman pala ang nakipag-break, tapos iiyak-iyak ka diyan."

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Pwes! Ipaintindi mo! Alam mo ang hirap niyo talaga intindihan na mga babae."

"Minsan kasi may mga bagay na hindi na dapat sabihin pa. Mas lalo lang kasi sasakit kapag sinabi pa."

-

It was Sunday afternoon. Naglalakad papuntang park sa loob ng subdivision nila si Gail. Nababagot na kasi siya sa loob ng bahay nila, gusto niya naman makalanghap ng sariwang hangin at makakita ng mga bata na masayang naglalaro. 

Na-miss niya tuloy ang pagiging bata. Nang makarating siya sa park umupo siya agad sa swing na paborito niyang puwseto habang masayang pinapanuod ang mga batang naglalaro.

She really missed being a child. may naghahabulan, may nagtataguan, may nag-cha chinise garter at iba pang mga laro. Mga batang ang alam pa lang ay maglaro hanggang sa mapagod.

Naalala niya tuloy nung bata pa siya madalas siya dalhin ng kanyang daddy sa park na ito. Dito niya nakilala ang lalaking nag-iisang nagpatibok ng puso niya. Napangiti siya ng bahagya pero agad din iyon napalitan ng lungkot. 

*sniff* *sniff* Napalingon siya sa pinanggalingan ng tunog at nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa katabing swing na inuupuan niya. Nakayuko ang lalaki kaya hindi niya masyado makita ang mukha nito. Naka-black shirt at pants ang lalaki, maputi at matangos ang ilong.

Nagulat siya ng biglang may tumulong butil ng tubig mula sa mata ng lalaki... Luha.

Agad niya kinuha ang panyong dala niya sa bulsa ng pantalon na suot at inabot sa lalaki.

"Ito oh gamitin mo na." alok niya dito pero tinignan lang siya ng lalaki at sa puntong iyon nakita na niya ang kabuuang mukha ng lalaki. Napalunok si Gail. Namumula ang mga mata dahil sa pag-iyak pero makikita mo pa din ang kagandahan ng mga nito at bukod sa matangos na ilong mayroon itong magandang labi.

"Para akong nakakita ng isang anghel na umiiyak." sabi niya sa kanyang sarili. Naka-recover din naman agad si Gail at ibinalik ang panyo sa bulsa ng pantalon niya. The guy refused her. Idinuyan niya ng kaunti ang swing niya at iniisip kung kakausapin niya ba ulit ang lalaki.

Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago magsalita ulit. Medyo natakot kasi siya sa aura ng lalaki kahit na mukha pa itong anghel. She cleared her throat first.

"Uhm. May problema ka ba? Puwede mo i-share sa akin baka matulungan kita? I'm a good listener."

"I don't need your help, Miss." Nagulat naman si Gail sa isinagot ng lalaki. 
Nakaramdam siya ng inis dito.  Siya na nga itong nagmamagandang loob susungitan pa. Hindi naman na siya nag-aksaya pa ng laway para kausapin pa ito ulit. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa mga batang naglalaro pero ilang minuto kang ay may nakita siyang pamilyar na mukha na hindi niya kailanman makakalimutan. 

Ang Ex-boyfriend niya.. At may kasama itong isang babae na sa pagkaka-alam niya ay bago nitong girlfriend. Siya naman ngayon ang umiiyak. Nasasaktan pa din siya. Bakit sa dami ng lugar sa mundo bakit dito niya pa ito makikita. Nung sila pa kasi ay dito sila madalas pumunta at mag-piknik.

"Oh! Ikaw naman ngayon ang umiiyak diyan." She wiped her tears and bit her lower lips.

"Kasi.." tumingin siya sa direksyon kung nasaan ang Ex-boyfriend niya at ang present girlfriend nito. 6 months na din silang break. Sinundan naman ng tingin ng lalaki ang tinitingnan ni Gail.

"Ex-boyfriend mo?"

"Yes."

"Ex mo na pala, bakit mo pa iniiyakan?"

SwingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon