I

19 0 0
                                    

Batchoy! Ang daya mo talaga!

Hah!!!! Pikon ka talaga payatot!

Hindi ako pikon! Sa akin yang ice cream na yan eh!

Akin kaya to, blee!

Akin nga yan!

Akin to!


------

*Riiiing* *Riiiing* *Riiiing*

Punyemas na alarm clock na to, nananaginip ako pinutol mo. Haaaay! 'sabi ko habang hinampas ng pagka lakas lakas ang alarm clock ko. Maliligo nako para pumunta sa work, as usual.... doon lang naman umiikot ang mundo ko.

Teka, hindi mo pa pala ako kilala. Let me introduce myself. I am Caelum Fender Vergara. Cae for short. I am 23 years old at nakatira ako sa QC. Isa akong supervisor sa kumpanyang pinapasukan ko. Sige, pwede na yan. Going back!

Pagkatapos kong maligo at magayos, sinuot ko na ang business attire kong damit at nag tungo sa McDo para mag drive thru.

Hi! Can I have Chicken fillet sandwhich with fries and coffee float. Thank you!

Eto ang walang kasawaang order ko sa McDo. Kilala na nila ako dito dahil araw araw akong nag oorder sakanila. Hindi ko na ata alam ang lasa ng lutong bahay, kasi wala nakong time mag luto.

-hello ma'am, goodmorning po.

Bati sakin ng mga nadadaanan ko sa office. Minsan talaga gusto ko nalang maging invisible, parang kahit sino nalang dito sa work kilala ako.

Hello my dear bestfriend! How are you?! Bati sakin ni Renz. Siya ang bading kong bestfriend. Chidlhood friend, meron pa kaming isang childhood friend, pero kinalimutan ko na.

Hello beshy! Eto, same old same old. Ikaw? Infairness ang tagal mong nag leave, baka gusto mong mag catch up sa work. -masayang sagot ko sakanya.

Oo naman! Babawi ako. Pero bago ang lahat, gusto ko lang sabihin sayo na hindi pa tapos ang leave ko. Pumunta lang ako dito sa office mo to tell something. 'sagot niya

Renzyy! Bwisit ka ang tagal mo ng wala hindi pa pala tapos leave mo? At ano naman sasabihin mo? Busy ako ha. Wag mokong idamay dyan. 'sagot ko sakanya.

Beshy! Ilang taon kanang nag t'trabaho dito. Mag pahinga ka naman! Kaya nagpa book ako ng vacation sa Bataan. Kasi mamamasyal tayo! 'masayang sagot ni Renz.

I knew it! Sige kelan ba yan? 'tanong ko

MAMAYA NA.....

-

Hindi ako makapaniwala, itong taong to talaga. Tutal siya lang naman ang kaisa isang best friend ko. Might as well pumayag na sa aya niya. Para narin makapag unwind ako.

Besh? Andito nako sa mall. Pinark ko narin yung sasakyan ko kina Dino. Pakibilisan pleaseeee 'sabi ko kay Renz habang kausap siya sa phone. Sasakyan kasi niya ang gagamitin namin tutal pang off road naman yun.

Bumyahe nanga kami sa nasabi niyang lugar at hindi naman ako nag sisi. Napaka ganda and napaka fresh ng hangin.

-fast forward-

Natapos na namin ang mga lugar na pupuntahan namin. Nag yaya naman siyang uminom dito sa Bar na nakita namin kasi ang daming tao. Ayoko pa naman ng ganitong mga crowded na lugar.

Uy anong oras kaya sila mag peperform?

Maygad excited nakong makita sila!

Shet magpapapansin talaga ako pag andyan na si Ter!

Oo ako din, ilang minuto nalang sila na niyan!

Naririnig kong bulungan na medyo malakas sa mga babaeng nag kukumpulan, sinong bang tinutukoy nila? May iba pa bang banda bukod sa mga tumutugtog ngayon? Sa totoo lang, halos wala nakong alam na local bands. No hate, sadyan hindi ko lang ginusto. Laging international artist ang mga pinapakinggan ko. At matagal na rin sigurong naalis ang pagmamahal ko sa music, simula nung bata pa ako. Kasi masasakit na pangyayari lamang ang naaalala ko kapag nakakarinig o tutugtog/kakanta ako.

Biglang natapos ang banda at namatay ang mga ilaw. Biglang nagsalita ang MC at may ipinakilalang banda. Nakainom na kami ni Renz ng tig a'apat na bote ng Redhorse, sakto namang nasa harap kami na pinag sisisihan ko, kasi sa sobrang puti ko daw parang saakin daw lagi nakatutok ang mga ilaw at halos napupukaw ko daw ang atensyon ng mga lalaki.

Besh maghanap na tayo ng lovelife! Sabi ni Renz saakin na may kasamang palo sa braso.

Nako besh, nag e'enjoy na ako sa alak. Ikaw nalang hahaha! 'sagot ko sakanya.

'PLEASE WELCOME, IV OF SPAAAAAADES!'

Hello guys! We're IV of Spades. Thank you so much for inviting us, hope you enjoy our performance!

May nagsalita sa stage, alam kong sa stage yun kahit nakatalikod ako. Ayoko kasing humarap, parang naaalala ko lang yung mga nakaraan.

Nakita ko namang biglang napatakip ng bibig si Renz at mukhang nagulat.

Hoy bakla ka! Ayan lumalandi kana sa mga banda! Sabi ko sayo wag sila, masasaktan ka lang! 'patawa kong sabi sakanya.

Ahm... Beshyyy? 'mahinang sabi ni Renz.

Yes besh? 'sagot ko

Si..i..... B.... Bl... Bl... a....s....t....er??? 'mautal niyang sabi. Actually, di ko naintindihan yung sinabi niya sa ingat ng mga babaeng nag hihiyawan at sa bandang tumutugtog. Pero infairness, magaling sila. Dahil hindi ko naintindihan ang sinabi ni Renz, lumingon na lamang ako sa stage para makita kung ano ba ang ikinagugulat ng taong to.

Sana hindi nalang ako lumingon.

Sana hindi nalang nag tagpo ulit ang mga mata natin....

Until we meet again (Blaster Silonga Fanfic)Where stories live. Discover now