Sam POV
Natapos ko nang ihatid si Lindsey at dumiretso ako sa calenderis ni aling kusing para maki-kain
"Hi Aling Kusing" sabi ko with a matching killer smile
"Nandito ka na naman! para manghingi ng tirang kanin at sabaw.... wala ka bang pera diyan para maka-bili ka nang baboy"
"Aling Kusing... Ang ganda nyo ngayon"
"Sus! nangbola kapa... O sya eto" sabay bigay sakin ng kanin at sabaw
"Salamat Aling Kuring! ang sarap talaga ng sabaw! SARAP" ayttt... na wrong spelling nalang ang pangalan ni Aling Kusing dahil sa kagutoman ko..pasensya na poh
" Kumain kana! kung hindi lang ako bilib sayo magtrabaho...."
Pagkatapos kong kumain dumeretso ako sa laundry shop, meyron akong part-time job dun ang mag plantsa ng mga damit....
"Uy nandyan na pala si Sam... Ohhh Sam alam mo na kung ano ang gagawin mo" sabay bigay ng mga damit
"Seth di'ba ikaw ang taga-laba! bakit ako ang maglalaba di'ba taga-plantsa lang ako" protesta ko
"May angal ka!" sigaw nya
Gusto ko man ipaglaban ang sarili ko pero wala na akong na gawa kasi malakas sya at maraming syang kabarkada na adik kaya nag-laba nalang ako. "k" yun nalang ang sinabi ko
"Hahay.... Kaya ko ito!" sabi ko sa sarili ko.
Habang naglalaba ako saktong dumating si boss (may-ari ng laundry shop).
"Ohhh Sam bakit ka naglalaba? dapat sila Seth ang gumawa yan" tanong ni boss
"Ahhhh ok lang ako boss! kaya ko naman ito.. madali lang ito" sagot ko at pinilit kong ngumiti
"O sya! dahil masipag ka sa trabaho..eto ang sweldo mo at may bonus yan" sabay bigay ng maliit na brown envelop
"Sa...Salamat boss" napatalon-talon ako sa saya
"Umalis kana para e enjoy mo ang sweldo mo...sila Seth nalang ang magpapatuloy sa mga yan"
"Sige boss salamat talaga" at umalis ako
Dumiretso akong pumunta sa PALABOK HAUSE at bumili...syempre palabok! at umuwi agad ako
"Nay! Nay! may dala po ako" sigaw ko
"Wow anak! PALABOK" sabi ni nanay sabay halik sa'kin
"Ang tatay mo....anak..."
"Di'ba nay yan ang paborito mo?"
"OO NAK! salamat talaga" halos napaiyak si nanay
Nagtatanong kayo kung bakit napakasaya ni nanay sa dala kong PALABOK? Isang beses sa isang taong kami kumakain ng palabok at sa araw lang ng birthday ni tatay.... kasi kapag nagdedate sila ni tatay ay palaging palabok lang ang dinadala ni tatay at higit sa lahat ang huling date nila bago pa masagasaan si papa ay si nanay na ang bumili ng PALABOK para kay tatay pero ang naabutan niya ay ang patay at malamig na katawan ni tatay sa kalsada at ayun! ang pagtingin ni nanay sa PALABOK ay si tatay (ang weird di'ba pero yan ang LOVE!)
"Salamat anak" sabi ni nanay
"Basta para sayo nanay...gagawin ko ang lahat" pangako ko kay nanay at sinisumpa ako na gagawin ko ang lahat para sa pinakamamahal ko na babae sa buong mundo at yun ay si Nanay....