Prologue

6 1 0
                                    

Disclaimer;

Uunahan ko na po kayo, Ang kwentong ito ay kathang isip lamang kung ikaw ay matatakutin pakiusap wag mo nang basahin.

Sabi ng iba, matakot ka sa buhay wag sa patay. Ang buhay kayang patayin kumpara sa patay na di ka na makakaya pang hawakan.

,SIMULA

"Wag! Wag! Wag! Maawa ka sa akin." Namumutla na ang buong mukha nito dahil sa sobrang takot.

Hawak ng  isang babae ang matalas na patalim. Unti-unti itong lumapit sa babaeng nanghihingi ng awa. Napaka ganda ng mala anghel na ngiti nito.

"Hu hu hu hu, maawa ka sa akin!" Patuloy na pakiusap ng babaeng nakagapos at umiiyak,  nakaupo ito sa isang silya.

"Wag ka mag alala di kita patayin pero di kana makapagsalita habang buhay." Masayang wika ng babae, habang winawasiwas ang kutsilyong hawak hawak nito.

"Maawa ka sa akin!"hindi makapalag ang babae, dahil sa higpit ng pagkakatali sa kanya.

"Kung dati mo pa nilayuan si Ivince di sana di tayo umabot sa eksenang ito! Ano pa ang gusto mong sabihin?
Sabihin mo na bago ka pa mawalan ng dila. Hahahahahaha." Masayang masaya pa ang babaeng baliw, habang lalong lumalapit na kinauupuan ng biktima.

"Isa kang baliw! Masusunog ang kaluluwa mo sa empyerno!"natatakot ang babae ngunit pinipilit itong magtapang tapangan.

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ibinuka nga babae ang bunganga niya. Hinila nito ang dila niya gamit ang tong, nang nasagad na ito sa labas ng bibig, dahan dahang  hiniwa ito ng baliw na babae. Parang ninanamnam pa ang sakit at paghihirap na nararamdaman ng biktima.

Kahit anong gawin ng babaeng nakatali, wala na itong nagawa pa kundi ang lumuha na siyang lalong nag bigay ng saya at sigla sa mukha ng babaeng baliw. Matapos niyang maputol ang dila ng biktima, masaya niyang pinagmasdan ang mukha nito. Tinitigan niya ang bibig ng babae na walang humpay ang pagtulo ng magkahalong laway at dugo. Hindi pa ito nakuntento. Sa harapan ng  biktima, masaya niyang dinilaan sa patalim ang nagkalat na dugo nito. Kinuha niya ang  dila ng kaawa-awang babae at inilagay sa plato. Hiniwa hiwa niya ito, at masayang kinain ang isang bahagi.

"In fairness naman sa dila mo malasa siya. So papaano hanggang dito na lang ang ating pag sasama. Mabuhay ka man wag mong kalimutan ang mukha kong ito ha. Kapag nakawala ka sa pag kakatali, malaya ka na pero kapag hindi diyan kana mabubulok. Bye bye, hahahaha, wahahahaha, mala halimaw niyang tawa.

Inosente ang kanyang mukha parang angel kung  kumilos at gumalaw pero sa likod niyon nag tatago ang mala halimaw na katauhan.

A/N;
Hello po sa lahat, ang kwentong ito ay hango sa aking malawak na imahinasyon. Ang pag kakatulad sa aktuwal na pangyayari at kwento ay pawang nag kataon lamang.

Lahat po tayo ay may kanya kanyang pag iisip. Nasa atin na lang kung paano natin gagamitin. Sorry po sa wrong typos at sa lahat na.


-Cute Angel-

BetWhere stories live. Discover now