He is my Heartbeat =>: Chapter 2

29 3 0
                                    

Note: Sorry po, slow update ako. Madami kasing requirements sa school at saka tinatamaan ako ng katamaran. Kahinaan ko pa nman yun. XD

-------------------------------------------------------------------

"Waaaaaaahhhhhhhh!!!!!! Mommy!!! Huwag po, huwag po. Ito na po ang magiging office ko at hindi na ako mangungulit kay papa basta wag nyo lang po ako mumultuhin. ajujuju, maawa po kayo sakin, takot po ako sa mulo" nanginginig kong sigaw

"Ah, ma'am, hindi po ako multo at lalong-lalo nang hindipo ako ang mommy nyo" sabi sakin ng nasa likuran ko

Bigla kong idinilat ang mata ko dahil sa sobrang pagkapahiya ko dito at nakita ko si papa na halos pumutok na sa katatawa.

"A-ah, sabi ko nga. Acting lang naman yun eh. Pero bakit nabasag picture ni mama? Hindi ba sya nagpaparamdam sa min?" nagtataka kong tanong.

"Kapag nabasag ang picture, may nagpaparamdam na agad? Hindi ba pwedeng, malakas ang hangin muna?" sagot nanaman sakin ni daddy na namumula na ang mukha

"Eh sa yan ang napapanood ko sa Horror movies eh." nahihiya kong sagot dito

"Alam mo Kristine, imbes na ang horror horror movies na yan ang inaatupag mo, magtraining ka na lang sa pagpapatakbo ng Kompanya natin."

"Eh panu naman ako makakapagtraining jung parati ka namang busy sa pagpapatakbo nit?"

"Huwag kang mag-alala 'nak, gagawan ko ng paraan yan. Pero sa ngayon, kilalanin mo muna ang buong staff and faculty natin ang intoduce yourself to them." 

"Sus drama mo dad. Pero sure ka po bang sakin nyo ipapamamana ang pagkalaki-laking company na'to? Baka malugi lang 'to dahil sa'kin ah?"

"I have trust on you my daughter" sabi sa'kin ni daddy with akbay-akbay effects

"Yuck daddy, this is so not you. Mas bagay sa'yo yung strict kong daddy."

"Okay, okay, if that is what you want. sige, ihanda mo na ang sarili mo at ililibot na kita sa building at      ieentroduce kita sa staffs and personel" sabi ni dad sa'kin with a blank expression

Wow ha? Bilis talaga mag-evolve ng daddy ko 'noh. Lakas maka mood swings

He toured me around the building and properly introduced me to the personel and staffs.

At dahil nga sa sobrang pagod ko ay andito ako ngayon sa aking kwarto, nakahilata.

Nagpaalam na agad akong uuwi na ako pagkatapos ng touring session namin ni daddy at sinabi ko sa kanyang masama ang pakiramdam ko. Eh sa may pagkauto-uto din si daddy kaya ayun, pinayagan ako.

 Tinitingnan ko lang ngayon ang larawan namin ni Mommy bago pa siya bawian ng buhay.

Namimiss ko ang babaeng 'toh. Ang babaeng nagluwal at nagmahal sa akin ng lubusan at inalagaan ako kahit na may pagka "Spoiled Bratt" ako.

Tears suddenly fell on my eyes and automatically became emotional.

Pinangako ko na noon sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa pagkamatay ng mommy pero, mommy ko to eh. Mahirap pantayan ang pagmamahal na binibigay ng ina sa anak.

Maya-maya pa, may naramdaman akong may humawi sa buhok ko. Alam kong si mommy 'yun kasi  mahilig siyang manghawi ng buhok lalo na kapag malungkot ako.

Hindi na ako natakot dahil alam kong hindi naman ako sasaktan ng mommy atsaka, maganda nanay ko 'noh!!!!!

Lumabas ako ng kwarto ko para magpahangin. Nung dumaan ako sa kwarto ni daddy, narinig ki syang humihikbi at parang umiiyak. Hindi na ito bago para sa akin dahil halos araw-araw na ginawa ng dyos ay umiiyak sya at nagdadalamhati.

Ngunit ang ikinagulat ko ay nang bigla syang sumigaw at pinagtatatapon ang mga gamit niya na para bang nagwawala.

tok-tok-tok-tok

"Uhm, dad, Is there any problem?" tanong ko dito habang kinakatok sya sa pinto

"Ah, w-wala 'to 'nak, natabig ko lang yung vase sa mesa. At ba't nasa labas ka pa? diba dapat nagpapahinga ka sa kwarto mo dahil nga masama pakiramdam mo kanina 'di ba?" pinagbuksan nya ako ng pintuan at nakita ko ang mugto nyang mga mata.

"Eh sindi naman totoo 'yun eh. Sinabi ko lang 'yun para makapagpahinga na ako" bigla akong napatakip sa baba ko ng matauhan ako sa pinagsasasabi ko.

Natatakot ako. Hindi dahil sa pagwawala ni daddy kundi sa pagkakabuking sa'kin na nagsinungaling lang ako sa kanya. Terror pa man din si daddy at ayaw na ayaw ang sinungaling.

"Anong sabi mo?!!!!"

*To be Continued*

Sorry, late update. mahirap kasing tumakas sa requirements eh XD

Vote, Fan, Comment

He is my Heartbeat =>: Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon