Part 1

753 9 3
                                    

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

AZALEA VENICE

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Nagmamadaling tumatakbo si Lea noon patungo sa kung saang parte ng beach resort siya mapunta. Hindi niya sigurado kung saan ang patutunguhann niya sa pagtakbo niyang iyon. Ang tanging alam lang niya ay nais niyang makaalis sa lugar kung nasaan ang mga taong nagpaiyak sa kanya sa araw na yun.

"Ang sasama nila! Wala na silang ginawa kung hindi ang manggulo! Argh! Sinira ninyo ang araw ko! Nakakainis kayo!" nagsisisigaw siya sa tabing dagat. Wala naman kasi siyang nakikita na ibang tao sa paligid kaya naisip niyang okay lang na mag-ingay dun. "Ayoko na! Ayoko na makipagkaibigan sa inyo! Mga plastik!!!"

Napaupo siya sa buhangin habang yakap ang sariling mga tuhod. She's totally crying from the bottom of her heart. Sa dagat lamang siya nakatitig habang patuloy naman sa pagpatak ang mga luha niya.

"Here, take this."sabi bigla ng isang lalaki na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya. Nag-aalok ito ng panyo sa kanya, at nakaupo din ito sa buhangin. Sa tabi niya. "Come on, Miss. Wipe your tears, or else ay ako ang magpupunas ng mga luha mo."

Napatingin siya sa lalaking katabi niya. At hindi niya alam kung bakit bigla na lamang kumabog ang puso niya nang makita ang mukha nito. Parang pingpong ball ang puso niya na pinagpapasapasahan.

"Ang kulit." sabi pa ng lalaki nang hindi niya ito inimik.

Bigla nitong idinampi sa kaliwang pisngi niya ang panyong hawak nito. Pinunasan nito ang mga luha niya at nang tuluyang masigurado nito na tuyo na ang pisngi niya ay ngumiti ito.

"S-sino ka?" naitanong niya sa binata, natawa lang ito sa kanya. "Sino ka nga? Ano nakakatawa sa itinanong ko? Matino naman yun, ah?"

"Hindi man lang 'Thank You' ang una mong sinabi? Haha! Kakaiba ka, ah?" natatawang sabi ng lalaki sa kanya sabay tingin sa tahimik na dagat.

Napayuko siya nang ma-realized niya na tama ito. Nahiya pa yata siya.

"Sorry... Salamat." tumingin siya sa lalaki. "Oh, ayan! Nag-thank you na. Ano ang pangalan mo? Sino ka ba? Di mo ba alam yung rule na, DO NOT TALK TO STRANGERS?"

Tawa ng tawa ang lalaki pagkatapos ay muli itong tumingin sa kanya, "Ang cute mo, huh? Anyway, I am Jett Damon." he winks.

Namula si Lea nang sabihin ni Jett na cute siya. At lalo pa itong tumawa nang mapansin nito na namumula siya. Hindi rin niya napigilan ang matawa sa sarili. Laking gulat na lang niya nang biglang umulan.

"BAKLA!!! KNOCK-KNOCK! BESTFRIEND HERE ON YOU DOOR! YOOHOO!!" biglang may sumisigaw sa labas ng kanilang bahay.

Doon lamang na-realized ni Lea na nagre-reminisce lang siya tungkol sa nakaraan. Nasa bahay lamang siya at kahit nagsisisigaw na sa labas ng bahay niya ang bestfriend niya ay tinatamad siyang pagbuksan ito ng pinto.

Define Bestfriend - KimXi - KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon