♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
♥ LAVIGNA ♥
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥"WHAT?! You saw that guy?! Saan? Ituro mo siya sa akin, Lexie! Gusto kong magtuos kami ngayon na! Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sa akin kahapon, noh?! Where in the world is he?!" gigil na gigil si Lavigna nang sabihin sa kanya ng bestfriend niyang si Lexie na nakita nito ang lalaking nakabanggaan niya sa mall kahapon.
Sa pagkakatanda niya kasi ay ang lalaki mismo ang may kasalanan kung bakit nasira ang branded dress na suot niya kahapon. Nakabanggaan niya malapit sa second floor escalator ng isang mall ang lalaking hindi man lang siya nilingon para mag-sorry. At nang makabangga siya nito ay saktong tumapon sa kanya ang coke drink na dala niya.
"Chill, Vign! Ano ka ba naman? Masisira ang beauty mo kung magagalit ka ng bonggang-bongga diyan. Hayaan mo at baka makita ulit natin siya ngayon. Paliguan mo ng one-point-five liter coke bottle nang makaganti ka!" biro lang yun ni Lexie sa kanya pero mukhang gusto niyang totohanin. Paliliguan niya talaga ng madaming litro ng coke drink ang lalaking sumira sa araw at damit niya kahapon!
"Humanda sa akin ang lalaking yun! Magtutuos kami sa oras na makita ko ang pagmumukha niya! Hinding-hindi ko palalapampasin ang sandaling iyon, tandaan mo yan!" turan niya sabay pabagsak na inilagay sa mesa ang hawak niyang Science book. Kakapasok lang nila sa library kaya pinili na lamang niyang manahimik at kumalma kesa masita ng Librarian.
"Marked your words, Princess." sagot sa kanya ng bestfriend bago ito naupo sa silyang naroon. "Oh, look who's here." bulong ni Lexie sa kanya.
Nagtaas ng kaliwang kilay si Lavigna at tinignan ang kaibigan, "Puwede ba, Lex? Kakapasok lang natin sa library, kaya itigil mo muna yang pagiging kaladkarin mo. Magresearch ka na lang." irap niya dito.
"Prangkahan lang, ate?! Ang sakit namang magsalita nito! Hin--- " natigilan si Lexie nang sitahin siya ng Librarian na nag-iikot pala sa silid-aklatan. Bahagya na lamang lumapit si Lexie kay Lavigna saka bumulong ulit dito, "Yung guy na crush mo, sis... Nandito sa library. I just saw him."
Namilog ang mga mata ni Lavigna nang marinig ang sinabi ng kasama niya. Lumipad yata bigla sa kung saang parte ng kalawakan ang isipan niya na kanina lamang ay abala sa pagsasaulado ng mga topics mula sa librong binabasa niya.
Tumapon ang kanyang tingin kay Lexie, "N-nasaan siya? M-maganda na ba ako? Hindi ba ako mukhang haggard sa pag-aaral, Lex? B-baka mapangitan siya sa akin." mahina niyang sinabi sa kaibigan upang hindi sila balikan ng masungit nilang Librarian.
"There siya, oh. Naghahanap yata ng... Books for his Science subject? Mukhang may research din yata siya, eh?" sabi ni Lexie sabay itinuro ang binatang estudiyante na ilang metro lamang ang layo sa kinauupuan nilang magkaibigan.
Abala ang lalaki sa paghahanap ng libro sa bookshelf na puro Science books ang nakahilera. Matagal nang crush na crush ni Lavigna ang exchanged student from San Francisco, California. Pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagagawang magpakilala dito at wala pa siyang ideya kung anong klaseng binata talaga si Zeke Damon.
BINABASA MO ANG
Define Bestfriend - KimXi - KathNiel
Teen Fiction- KimXi - He's gay and she is his girl bestfriend. Is he secretly in-loved with her? But how?! Eh, bakla nga siya! - KathNiel - She likes him a lot. Hinding-hindi siya matu-turn-off. Until she found out that he has a gay-brother.