this is a work of fiction. Gawa-gawa lamang ito ng magandang si Lezlie.
Maria Venice's POV
Habang natutulog ay may naririnig akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan akong tumayo at nag inat-inat ng katawan at pumunta sa pinto para buksan yon.
"Nandyan na, istorbo." Pagkasabi ko non ay tumigil na ang nakakarinding katok. Binuksan ko ang pinto at nakabusangot na mukha ni Sebastian ang bumungad sakin. Tatlo kaming magkakapatid, si Sebastian ang panganay at ako naman ang pangalawa. Limang taon pa lamang ang aming bunsong kapatid.
Tiningnan ko ng masama si Sebastian.
Nakakakisira talaga ng araw ang gago na 'to.
"What the hell Venice? Malelate na tayo tapos kakagising mo lang?!" sigaw nya sa mismong mukha ko.
Kalmado ko syang tiningnan, "Kung ayaw mo malate, mauna kana." Sagot ko na lalong ikinainis nya.
"Bakit kung iiwan ba kita dito may masasakyan ka ba? May kotse ka ba? May susundo-" hindi nya natapos ang sasabihin nya nang sinara ko ang pinto.
"I can manage, mauna kana!" Sigaw ko upang marinig nya. Narinig ko ang yabag ng mga paa, nakaalis na sya.
Pumasok ako sa banyo at nag toothbrush. Pagkatapos ay naligo na ako. It's Monday, it means may pasok na naman. Panibagong katarantaduhan na naman ang gagawin sakin ng mga estudyante sa paaralan na yon. Ilang beses ko ng sinabi na ayaw ko mag aral sa paaralan na yon, pero ayaw pumayag nila mommy kase nandon nga daw si Sebastian upang protektahan ako. Hindi ganon ang ginagawa ni Sebastian dahil puro tropa ang inaatupag nya. Wala syang pake kung binubully na'ko doon.
Nong matapos na ako ay di na ako nag abalang mag suklay at bumaba nalang ako dala-dala ang bag ko. Nakita ko si Marian na nakaupo sa sofa at nanonood ng cartoons. Nilapitan ko sya at hinalikan ang kanyang noo.
"Where's mom?" Umayos ako ng tayo at pinagmasdan sya.
"She's not here, I don't know where she is." she answered, i just nodded.
Pumunta ako sa dining at nakahanda na ang pagkain doon. Nagsimula akong kumain ng tumunog ang cellphone ko.
From: Seb
Where the hell r u?
I rolled my eyes.
To: Seb
Nsa bahy p.
Binulsa kona ang cellphone at binilisan ang pagkain ng mapansin kong 7:30 na, 8:00 am naman magsisimula ang klase namin. Nong matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay Marian na aalis na.
Paglabas ko sa gate ay dali-dali akong tumakbo papuntang school, malapit lang naman yon kaya tatakbuhin kona. Ayokong mag taxi para naman makatipid ako. Lakad-takbo ang ginawa ko, pinagtitinginan ako ng mga tao na dumadaan dahil sa itsura ko pero diko nalang sila pinansin. Ilang minuto lang ay nakarating nako. Pawis na pawis ako kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at nagpunas.
"She's so haggard."
"Naliligo pa ba yan?"
"Ano ba yan ang aga-aga tas ang panget ng nakasalubong ko."
Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong-bulungan ng mga estudyante. Diko nalang sila pinansin, since sanay naman na akong ganyan sila sakin. Konting-konti nalang at papatulan kona sila. Nagtitimpi lang naman ako dahil nasipa ako sa dati kong school. Meron akong nakaaway don, actually palagi naman akong may kaaway don. Nasipa ako kase na comatose yong huli kong kaaway. Yon ang dahilan kung bakit narito ako sa impyernong paaralan na 'to.
YOU ARE READING
The four prince in her life.
FanfictionI have a four prince in my life. Sila na ang nagpakapamilya sakin. Hindi ko sila kaano-ano pero pamilya na ang turing ko sa kanila. Akala ko yon din ang turing nila sakin, may isa palang hindi.