Prologue

11 0 0
                                    


Prologue

"Hi, I'm Winter Drew Esguerra, but I prefer to be called as Winwin. I'm a first-year BS Chemical Engineering student. An interesting fact about me is I was born in the US the same time the first snow of the year 2001 dropped."


Pakilala ko sa sarili ko para sa class introduction namin sa English class. I wanted to say na I hate introductions but mga limang students before me na and nagsabi nun and masyado nang boring if I say it again.


I returned to my seat in the front row katabi si Karina, best friend ko, who was looking funny at me, parang kinikilig ba. If I had a choice, I would sit at the middle or back row pero dahil gusto ni Karina na maging active students daw kami sa first day of classes ay hinatak niya ako dito sa harapan.


Ten more people introduced themselves nang may biglang dumating na hinihingal na lalaking student sa pinto ng room. Mukhang tumakbo siya para makaabot sa oras pero sadly late parin siya. Mabuti na lang at medyo mabait yung professor namin at pinapasok parin siya sa room kahit na 10 minutes na siyang late sa first day of classes.


Dahil bakante ang upuan sa tabi ko ay doon siya umupo at kaagad rin siyang tumayo para iintroduce ang sarili niya.


"Hi everyone! Ako si Jeno Español, first-year Civil Engineering student, at isang interesting  na bagay tungkol sa akin ay nasiraan ako ng kotse sa unang araw ng klase kaya late ako ngayon."


He said that while laughing kaya naman natawa narin ang buong class. He seems cool kahit na nagtagalog siya sa introduction niya para sa isang English class. Mukhang confident naman siya nang sinabi iyon kaya di narin siya sinita ng prof


Nagstart na ang class namin and unfortunately, naglecture na agad ang prof namin. Akala ko naman ay puro introduction lang sa first week of classes kaya hindi ko na masyado prinepare ang sarili ko makarinig ng lessons. Kinalabit ako ni Karina para manghiram ng ballpen dahil naiwan daw niya sa condo niya yung kanya kaya binigay ko sa kanya yung ginagamit kong ballpen. 


May spare pen naman ako kaya nilabas ko na ito. Sa malas ko ay wala na palang tinta yung spare pen ko kaya sinubukan kong maghanap ng extra pen pa sa bag ko kahit na sure naman akong dalawa lang dinala ko. Malay ko ba at may nalaglag pala ditong pen kanina.


Nang wala na talaga akong nahanap ay bumuntong-hininga na lang ako at humarap sa prof. Makikinig na lang ako nang maayos kahit na malabong maalala ko lahat ng mga sinasabi niya. He was lecturing something about history of communication at mukhang maraming details ang topic na ito.


"Here"


Biglang may isang pen na napunta sa mesa ko na galing pala sa katabi ko. Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siya sakin dahilan para medyo maconscious ako. Oo na, gwapo talaga siya at mas lalong gwapo kapag nakangiti. Napansin ko kanina na chinito siya at mas lalong nawawala ang mata niya kapag ngumingiti siya. Meron din siyang isang dimple sa kaliwang pisngi niya na mas lalo lang dumadagdag sa appeal niya.


Para di ko na makita ang malapad niyang ngiti ay tumango na lang ako nang marahan bilang pasasalamat at kinuha na ang ballpen na nilagay niya sa mesa ko. Imbis na magnotes ako tungkol sa lesson ay halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng prof dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warm WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon