In the moonlight
Your face it glows
Like a thousand diamonds
I suppose
"Pwede ba, tigilan mo na ang pakikipaglandian mo kay Charles!" sigaw ko sa kanya. Pagkatapos kong bitawan ang mga katagang iyon, isang malutong na sampal ang naging ganti niya sa'kin. She turned around and ran towards the bathroom of our suite. Pero bago niya pa man maisara ang pinto, I noticed something—something moist and glittery in the corner of her eyes which I very well know. After that, I heard the door being locked from the inside.
And your hair flows like
The ocean breeze
Sa sobrang frustration ko, napasigaw ako at napasabunot sa ulo ko. Di pa ako nakuntento at lumapit pa ako sa dingding malapit sa kama at sinuntok ito ng pagkalakas-lakas. Nahagip ng paningin ko yung vase sa may bedside table. Kinuha ko iyon at ihinagis sa sahig. Nagkalat ang pira-pirasong bubog sa sahig. Hindi ko iyon pinansin at lumapit ako sa higaan. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ipinatong ang kanang braso ko sa mga mata ko.
Narinig kong binuksan niya ang shower. Rinig na rinig ko kasi mula sa kinahihigaan ko ang lagaslas ng tubig.
I sighed. Buti pa siya, nagagawa niyang mag-shower sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
Bumaling ako sa kanan kung nasaan yung bedside table. Bumungad sakin ang picture naming dalawa at yung paborito niyang Teddy Bear. Napakahalaga sa kanya ng Teddy Bear na yun. Yun kasi ang kauna-unahang gift ko sa kanya at ang kaisa-isang stuffed toy na binigay ko sa kanya. I gave it to her on our first anniversary which is her birthday as well. Come to think of it, yun lang pala ang tanging materyal na bagay na naibigay ko sa kanya sa tatlong taong relasyon namin.
On her 25th birthday and our second anniversary, we went to an orphanage. Knowing her, she'd rather spend her birthday feeding orphans than to eat at fine dining restaurants. Doon ko siya dinala dahil alam kong iyon ang makakapagpasaya sa kanya.
A tear rolled down my cheek at the thought.
'Ano nang nangyayari sa 'ting dalawa ngayon?'
We were happy. Oo, hindi naging maganda ang simula ng relasyon namin. Our story wasn’t full of rainbows and unicorns. Madaming naging hadlang sa 'ming dalawa. Ayaw sa ‘kin ng mga magulang niya dati. Pero kahit na ganun, hindi kami sumuko. Sa kabila ng lahat, masaya pa rin kami. Pinakita namin sa kanila na kaya namin. Pinaglaban namin ang tama. And again, we were happy. Anong nang nangyari?
'What changed since then, Cess?'
Not a million fights could make me hate you
I stood up and went to the front of the bathroom door. Napasinghap ako nang makaramdam ako ng kirot sa may talampakan ko. Nakaapak ako ng bubog. Mahapdi. Pero malayo sa bituka. Walang wala yun kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Sumandal ako sa pinto. Hinihintay ko kasi kung kailan niya papatayin yung shower. Hinihintay ko kung kailan siya lalabas. Rinig na rinig ko ang lagaslas ng tubig. Pero, hindi ang lagaslas ng tubig ang nakaagaw sa atensyon ko kundi tunog ng isang babaeng umiiyak.
You'se invinsible
Yeah it's true