Chapter 6

0 0 0
                                    

"UYY! " Kalabit ko kay Greg habang nandito kami sa klassroom.

"Ano!"Padaskol niyang sagot sakin..Aba!

Hinawakan ko ang buhok niya sa may likod ng tenga at hinila Ito.

"Ano ba Aisha!?" Aniya at tiningnan ako ng masama.

"Bat ka ganyan ha!"I asked akala niya talaga hindi ko napapansin na para nalang siyang kabute na sumusulpot nalang kung kailan niya gusto nitong mga nakaraan na araw.

"Ano ba yun.? ha?"

Tss patay malisya pa!

"Bat hindi kana sumasama samin ni Angelica?"

I crossed my armed at tinaasan siya ng kilay.

"Tsk busy lang sa Banda."Sagot niya na para'ng Wala lang. psh busy daw sa banda..Bandahin ko mukha niya e.

"Bakit noon busy karin naman sa banda ah pero nasasamahan mo parin kami ni Angelica!" I stated
Papalusot pa talaga siya e!

Hindi siya sumagot kaya tinanong ko ang naiisip namin ni Angelica na dahilan ng pagkakabusy niya.

"May pinupormahan kana no?" I asked at tiningnan ang reakyon niya.

Kita'ng-kita ko kung paano bahagya na nanlaki ang mata niya at nilingon ako.

"Ano'ng issue naman yang iniisip mo? ha?"

Aniya niya at nag-iwas ng tingin.
Medyo pumula din ang pisngi niya kaya lihim ako'ng natawa.
hmm.. Interesting.

"Tss wag kanang mahiya aminin samin yun ni Angelica, Friends mo na man kami" I mockingly stated.

Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya.

Masama niya akong tiningnan at nagsalita.

"Huyy w-wala akong pinupormahan." He stated na medyo nanginig ang boses.

Gusto kung humalakhak sa ginagawa niya pero pinipigilan ko lang baka kasi masapak pa ako nito e.

"Talaga?"I asked

Natigilan naman siya tumitig sa kawalan.

Minasdan ko lang siya ng bigla siyang huminga ng malalim.

"Fine!"Suko niya at mas lalong pumula ang pisngi.

Ngumiti ako ng maluwag at inusisa pa ito.

"Sino?" Atat kong tanong.
At mas nilapit ang ulo ko  sakanya.

Tinulak niya naman ito at inis na nagsalita.

"Tss Wag kang chismosa!."

"Sige na kasi sabihin muna!."
Pilit ko sakanya.

"Fine! si ano lang."

"Ano?" Pambihira ang bagal niya magkwento.!

"Si Ginerva."
Medyo natigilan naman ako sa sagot niya.

"Si Ginerva? Yong nasa senior high?" I asked him again

At nawindang ako ng tumango siya at nag-iwas na naman ng tingin.

"OMYGOD!!"I exclaimed.

Kaya hinila niya ang braso ko at niyugyug.

"Hoy wag kang mainga'y!" Saway niya kaya napahawak ang dalawa'ng palad ko sa labi at nag sorry.

"Sorry naman nagulat lang ako,Pero totoo talaga?"

"Oo nga! ang kulit mo naman e."

"Diba ang bata non?" marahan kung tanong ayoko n
naman na ma-offend siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon