Isabel's POV
NAPATILI si Isabel ng may tumapik sa puwitan niya. Nakatayo siya sa harap ng washing machine sa likod ng mansion ng mga Morgan.
Nalingunan niya ang nakangising si Craig. Wala itong ibang suot kundi ang kakapiranggot na boxer nito. Lantad na lantad tuloy ang matitipuno nitong dibdib na nababalutan ng mga tattoo, para nga itong naka-long sleeve dahil sa dami ng tatoo nito. Buong dibdib, likod at mga braso nito Ay tadtad ng iba't ibang tattoo.
"Ikaw, napakatarantado mo talaga!" talak niya rito habang mariing kinukusot ang puting t-shirt.
Mas lalong ngumisi ang gago. Itinukod pa nito ang kamay sa washing at inilapit ang mukha sa mukha niya.
"Kailan mo ba ko pagbibigyan?" malisyosong anito sabay hagod ng nakakadiring tingin sa kanya.
"Lumayas ka sa harap ko baka makalimutan kong anak ka ng amo ko at maisungalngal ko sa 'yo 'tong bareta ng luminis yang makasalanan mong bibig!" singhal niya rito.
Bastos talaga ito magsalita pero bukod sa minsanang pananantsing nito sa kanya hindi naman siya nito pinupuwersa na gawan ng masama. Parang kontento na ito sa mga nakakadiring pasaring nito at patapik-tapik nito sa kanya.
Kung hindi lang siguro malaki magbayad sa labada si Mrs. Morgan baka matagal na siyang hindi bumalik dito. Ang kaso kailangang-kailangan niya ng pera pangpa-check up ng tatlong taong gulang niyang anak. Napansin niya kasi na madalas itong mangitim kapag umiiyak at minsan ay halos hindi na makahinga.
Pina-check niya na ang anak sa malapit na health center pero ang sabi sa kanya kailangan daw mapatignan sa isang espesyalista sa puso ang anak niya. Nanlumo siya nang malaman iyon. Napakabata pa ng anak niya para magkaroon ng ganoong sakit, at bukod pa roon halos wala na nga silang makain at ang magpa-ospital ang huling bagay na nanaisin niya. Hindi niya naman kayang baliwalain ang kondisyon ng anak niya kaya lahat ng raket sinuong niya. Mula sa paglalako ng tinapa, paglalabada at pagma-manicure at pedicure ay ginawa niya.
Isang teller sa isang bangko ang asawa niya - si Ralph. Pero provincial rate lang si Ralph at nagbibigay pa ng pera sa mga kapatid nito, bukod pa roon ay may motor din itong hinuhulugan buwan-buwan. Halos wala na ngang natitira sa sahod nito para sa kanila ng anak nila. Kaya nga kung saan-saan siya naglalabada para kahit papaano makatulong sa gastusin sa bahay.
Hindi naman kasi siya nakapag-college dahil sa kapos din sila sa buhay. Labandera rin ang Inay niya na nag-iisang nagtaguyod sa kanya. Namatay ang Inay niya dahil sa tubercolosis. Madali sanang magagamot ang Inay niya dahil may mga libre namang gamot sa center ang kaso pinabayaan nito ang sarili. Bigla na lang sumuka ng dugo ang Inay niya at natumba habang naglalaba. Kaya nang mawala ang Inay niya nakiusap siya kay Mrs. Morgan na siya na lang ang maging kapalit.
Sumama siya kay Ralph dahil na rin hindi niya alam kung saan pa siya pupunta, nineteen lang siya no'n ng mabuntis siya ni Ralph. Graduating naman si Ralph sa kursong Accountancy.
Nakabukod sila ng bahay dahil na rin sa kagustuhan ng biyenan niyang hilaw. Naiintindihan niya naman iyon dahil pitong magkakapatid sina Ralph at ito ang panganay, siksikan na sa bahay ng mga ito kaya naman nangupahan sila ni Ralph - na isa pa rin sa mga alalahanin nila buwan-buwan bukod pa sa tubig at kuryenteng bayarin nila.
Minsan niya nang kinausap si Ralph tungkol sa sitwasyon nila pero nagalit lang ito at pinagbintangan pa siyang nagdadamot sa pamilya nito kaya naman hindi na siya umulit ungkatin ang bagay na iyon. Takot siyang magalit sa kanya si Ralph. Mahal na mahal niya ito.
"Tss... Matitikman din kita," nakangising ani ni Craig na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.
Inis naman na iniamba niya rito ang damit na kinukusot niya. Tatawa-tawang umilag naman ito. Kababata niya si Craig, bata pa lang siya madalas na siyang magsasama sa Inay niya sa paglalabada sa mansion ng mga Morgan. Madalas na makalaro niya si Craig noon. Sa pagkakatanda niya may pagkapilyo na talaga si Craig pero mabait naman. Kahit nga limang taon ang tanda nito sa kanya ay hinahayaan siya nitong laruin ang mga gadgets nito.
BINABASA MO ANG
IN HIS ARMS
RomanceCraig Morgan is one of the ruthless man alive. He was cunning, he has no mercy to those who tried to put him down. He is the devil in a human's body. Pero isang babae lang ang hindi marunong matakot sa kanya - si Isabel - ang kababata niyang anak...