Chapter 7

21 4 0
                                    

"Alissa!" My head automatically turned back when I heard someone calling my name. It's Dos, as usual pero hindi ko in-expect na alam niyang nandito ako ngayon sa St. Claire Hospital at wala sa university.

"Akala ko hindi kita maaabutan. Ito nga pala." Inabot niya sa akin ang isang paper tulip. Hindi tulad ng mga nauna biyang binigay, ang ganda na ng pagkakatupi nito. Iba-ibang kulay na ang natanggap ko, ngayon naman ay kulay dilaw.

"Paano mo nalamang nandito ako?" Bigla siyang napakamot sa batok niya at hindi makatingin sa akin. Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahilan para matawa siya. Ninakaw niya rin ba pati class schedule ko?

"Sorry, hiningi ko sa kaibigan mo."

"Sinong kaibigan?"

"'Yong Quel." Seryoso ko siyang tiningnan habang inaalala kong hiningi nga ni Quel ang schedule ko kagabi. Akala ko kung ano lang kaya ibinigay ko pero hindi ko naman alam na ibibigay niya 'yon kay Dos!

"Anong sinabi mo kay Quel para ibigay sa 'yo ang schedule ko?" tanong ko habang nakasalubong ang mga kilay. Humakbang naman siya palapit sa akin dahilan para umatras akong bahagya.

Yumuko siya para maging ka-lebel ang mukha ko bago nagsalita. "Sinabi kong gusto kita."

Inirapan ko lang siya bago tumalikod at iwan siya sa labas ng Hospital. Baliw na siya, isip-isip ko sa sarili ko. Inilagay ko na lang sa bag ko 'yong bulaklak at pumunta sa may nurse' ward. Hindi naman na bago sa amin ang mag-duty. Second year pa lang may RLE na kami kaya nakakapag-duty na kami sa hospitals and community centers.

This sem, we will act as Nurse on Duty under supervision of a head nurse. Sana lang ay hindi masungit ang mag-supervise sa akin dahil baka sungitan ko rin siya. Pero siyempre bawal 'yon. As if naman magagawa ko rin 'yon, bawal sa nurse ang mainitin ang ulo lalo na at araw-araw kang makikipagbuno sa iba't ibang mga pasyente.

Patience is a virtue ika nga nila. Sa mga pasyente lang mahaba ang pasensya ko. Pero sa ilang mga tao sa labas, ubos na ubos na.

"Añonuevo, Alissa Sheri." Kakapasok ko pa lang ay agad na may tumawag sa pangalan ko. Tuwid akong humarap sa isang middle-aged nurse, mukhang nasa 40s na. She's on her purple scrub dress and white shoes. She looks intimidating, mukhang hindi narinig ang pagsamo ko kanina.

"Follow me. Bring your paraphernalia for the checking." Agad din naman siyang umalis. Kinuha ko na ang kit ko sa bag at nagpaalam sa ibang student nurse na nandoon. Isang malalim na buntonghininga ang naibuga ko habang naglalakad, nakasunod sa kaniya. Lahat ng nurse na nakakasalubong nanin ay tumatango sa kaniya, 'yong iba ay ngumingiti rin sa akin kaya nginingitian ko sila pabalik.

Tumigil siya sa isang nurse' desk at kumuha ng isang folder na nandoon, nahagip pa ng mata ko ang pangalan ko kaya malamang mga records ko ang nandoon. She scanned it thoroughly and drop gazes at me afterwards, thinking maybe if I am really capable.

"You'll be assign on Ward 4 with women patients. May mga private rooms din akong i-aasign sa 'yo. Alam mo naman na ang gagawin, hindi ba?" I gulped before nodding. Kinuha niya sa akin ang kit ko at chineck ang laman nito. May checklist sa form ko at alam ko namang kumpleto ang laman no'n.

"Nails." Itinaas ko ang kamay ko at inihiharap sa kaniya. Nang matingnan at makapagsulat sa folder. That will serve as my report book.

"I'm Nurse Genevive, by the way. If you have further questions, do not hesitate to ask me." She gave me a soft yet intimidating smile. Ibinalik niya sa akin ang kit ko at naglakad na kami sa ward kung saan ako maa-assign.

"You will be the only nurse I will be handling. I have hectic jobs here so expect hectic duties, too. Your CI personally refer you to me so I am expecting that you will be good, at least." Nasa likod niya lang ako nang sinabi niya 'yon kaya hindi ko nakita ang reaksyon ng mukha niya. Mahinang bumuntonghininga na lang ako bago inayos ang uniform ko. White nursing dress, white stocking then white nursing shoes. My hair is carefully bunned with my white nursing cap. Sana lang ay makapag-scrub din kami, ang hirap kaya kumilos sa ganitong uniform.

Taming Alissa Añonuevo (Taming the Añonuevo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon