Kabanata 3 : Aano

484 38 6
                                    

Kabanata 3 : Aano
Ash House

Unang Bayan El Paradiso

"Aray bitawan mo nga ako." nagpupumiglas na sabi ni Diez.

"Sakto naghubad ka na kanina. Hindi mo talaga ako pinapahirapan kapag mga ganitong bagay." sabi ni Ash habang nakahiga na si Diez at nakapatong siya dito.

"Langya ka. Bakit may may ganito sa labas ng bahay mo. Siguro may dinala ka na ditong babae at... at alam kong hayok ka sa sex. Langya ka." inis na sabi ni Diez.

"Hahaha. Para sayo ang lugar na ito para mas mabilis kaysa aakyat pa tayo sa third floor para magtalik." sabi ni Ash.

Napatingin ng matalim si Diez kay Ash, nasa isang maliit na moderno na kubo sila sa gilid ng bahay na malayo-layo din ang distansiya mula sa mismong bahay. At ang lalaking kaharap niya ay talaga nagpundar ng instant na maliit na bahay na iyon para sa kahayukan nito sa kanya.

"O sige." sabi ni Diez na may naisip na plano.

"Ano?" sabi ni Ash habang nakaipit ang mga hita at binti ni Diez sa mga hita at binti niya at ang kamay niya ay nakahawak sa kamay nito para hindi ito magpumiglas.

"Behave na ako." sabi ni Diez.

"Anong behave?" napakunot noo na sabi ni Ash.

"Hindi na ako mag-aapply sa iba." sabi ni Diez .

"Talaga?" sabi ni Ash.

"Oo. Pero umalis ka muna sa ibabaw ko." sabi ni Diez.

"Ayoko." sabi ni Ash.

"Aisssst. Nasasaktan ako sa ginagawa mo." sabi ni Diez.

"Mapanakit ka rin naman kasi." sabi ni Ash.

"Bitawan mo kasi ako." sabi ni Diez.

"Isa lang." sabi ni Ash.

"Anong isa lang?" sabi ni Diez.

Napahingang malalim si Ash na ikinatingin ni Diez dito.

"Bakit?" sabi ni Diez.

"Bigyan mo ako ng baby." sabi ni Ash.

Napangiti si Diez dahil tila bata ang mukha ni Ash na parang humihingi lang ng candy sa kanya. Isang bagay na nagustuhan niya sa asawa. Iba ito sa mga kapatid nitong kay Autumn at Run o sa tatay nito na si Orion. Pilyo kasi ang mukha ni Ash, pinaghalo ang mukha nito nila Orion at Ellie.

"Kung ayoko?" sabi ni Diez kay Ash.

"Gusto ko uli mag-alaga ng baby. Kaunting buwan ko lang naalagaan si Burn noon. Tapos hindi ko naman naalagaan noong baby sila Amon at Alex. Mahilig ako sa baby, natutuwa nga ako kapag nagpapaanak ako at kinukuha ko ang baby sa sinapupunan ng ina nila.

Gusto ko ako ang magpapaanak sayo at ako kukuha sa mga baby natin diyan sa tiyan mo." sabi ni Ash

"Hahahaha. "mga baby" talaga ha?" sabi ni Diez.

"O sige kahit isa... aissst pero gusto ko dalawa o tatlo kung puwede ngang sampu." sabi ni Ash.

"Hahaha. Ayoko ng ganoon karami." sabi ni Diez.

"Masaya ang maraming anak. Tingnan mo sila Wine at Elle, ang dami nilang anak at masaya ang pamilya nila." sabi ni Ash.

"Hahahaha. Makukulit ang anak nila, ang sakit sa gums ng ganoon kapag pagsasabihan mo at sabay-sabay na sasagot sayo." sabi ni Diez.

H11 : Escort : H5 : Ash & Aurora ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon