Sundo
RIENA'S POV
Abot-abot ang kaba sa dibdib ko, habang kaharap ang isang tao na kahit kailan ay hindi ko na nakilala. Parang tanga lang, sinabi ba namang ako daw ang nawawalang anak ng kanyang Amo.
"As I have said, you are the long lost heir of Sama---" I cut him off. Kaembyerna, kay aga-agang namumulabog ng mga englisherong mga ito.
"At kanina ko pa ho sinabi na hindi ako yun." bagot na bagot kong sambit. Nakapangtulog pa lang ako, dahil napakaaga nilang namumulabog. Tss, hindi ba nila alam na halos mag uumaga na akong nakatulog kasi nanonood pa ako ng Magi.
"Listen Ms. We are certain that it is you---"
"Pwede paki tagalog nalang ho?" sambit ko at napabuntung hininga naman ito.
"Sigurado po kami na ikaw iyo---"
"Napakalalim ng tagalog mo."
Napahigpit ang hawak nito sa files na dala-dala nito, isang DNA test result, nagpapatunay na ako ay anak ng kung sinong santos.
Sigurado akong sasabog na ang isang ito. Napaka gwapo ba naman. Pero hindi ako magpapaloko, kahit naging crush ko s'ya ngayun, mga slight lang. Halatang mayaman.
"Ano bang problema mo?" tingnan mo, sumabog na talaga.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko, ang gwapo---este antok na antok pa ako dahil halos dalawang oras palang ang tulog ko tas namumulabog ka pa at sasabihin na isa akong nawawalang anak ng mayayaman, hah!" walang ka gatol-gatol kong sambit. Infairness, hiningal ako doon.
Kita ko itong natigilan, maya-maya ay tumikhim at umupo ng maayos.
"I'll be back this afternoon, and be sure to pack your things before I arrive and fetch you up. Freshen up, you stink." aniya at bigla na lang tumayo at lumabas.
Hindi pa nag sink-in sa akin ang sinabi nito. Ano raw? Pack your thing? Fetch later? Freshen up? Y-you stink?
Nanlaki ang mata ko. May muta pa ako sa kaliwang mata. May matuyo pang laway sa gilid ng labi ko, ng makapa ko ito.
Sh*t!!!!!! NAKAKAHIYA!!!!!
Nahimasmasan ako matapos makapagligo. At wala sa sariling napatitig ako sa folder na nasa center table dito sa maliit na sala dito sa apartment na tinuluyan ko.
Walang gana ko itong binuksan at tumambad sa akin ang DNA result. A man named Dieter Samañego is my father kuno, base sa nabasa ko dito.
Noon pa man, tanggap ko na, na wala akong tatay, kasi tumakas daw si Mama matapos n'ya akong i-anak.
Binuhay ako ni Mama mag-isa. At kahit na tinanong ko s'ya tungkol sa tatay ko o tungkol sa pamilya n'ya, wala s'yang sinagot kahit ni isang tanong ko.
Ngayun, mag-isa nalang ako, ng pumanaw si Mama, tatlong taon na ang nakaraan, matapos kong makapag-graduate sa college.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa nalaman. I mean, hindi sa naniniwala ako na s'ya talaga ang tatay ko, it is just that, bakit ngayun pa n'ya ako hinanap? For 23 years of my life, bakit ngayun pa n'ya ako nakita?
Noon, na e-excite ako sa iniisip ko na mayaman tatay ko, tas hahanapin n'ya ako. At patirahin n'ya kami ni Mama kasama s'ya, at paaralin n'ya ako, ganun.
I've been waiting this, before. Pero ngayun na andito na, parang napagod na ako at kahit andito na ay hindi ako naniniwala.
Meron din kasi akong nalaman na kumwari hinanap daw, isang anak mayaman. Tas malalaman nalang na ibebenta pala ng sindikato.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Sandoval (Marrying Series 2)
RomanceComing soon! Marrying Series 2 Nabulabog ang tahimik at payapang buhay ni Riena Agoncillo nung may sumundo sa kanya sa kanyang apartment. He claimed and insisted na ang dalaga ay anak ng isang mayaman. Nawindang naman s'ya sa nalaman. Kahit ayaw ni...