SERENE
Malamig ang ihip ng hangin, madilim ang mga ulap, nagliliparan ang mga ibon sa himpapawid at tila naghahanap ng kanilang matutuluyan dahil sa nalalapit na pagbuhos ng malakas na ulan, natatanaw ko sila mula sa bintana ng aking kuwarto.
Minsan napapahiling akong sana ay naging ibon na lang ako, malayang lumipad sa kahit saan ko gustuhin, may kalayang gawin ang kahit anong gustuhin.
"Serene, hija," pagbanggit ni Lola Carmen sa pangalan ko saka ako nilapitan. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" may pag-aalala sa boses na tanong niyang inilingan ko naman.
"Ayos na po ako, hindi n'yo na po kailangan pang mag-alala," nakangiting sagot ko kaya naman nakahinga ito nang maluwag.
"Nandito si Red, kanina pa iyon nakikiusap na makita ka," aniya saka napabuntong-hininga. "Papapasukin ko na siya, kausapin mo muna siya, hija, kawawa naman ang nobyo mo," dagdag niya pa kaya napaiwas ako ng tingin.
Hinayaan ko siyang lumabas ng kuwarto ko at papasukin si Red. Nakatagilid ako ng higa sa kama kaya nakatalikod ako sa kaniya, ramdam ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko na hinayaan ko na lang.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" may pag-aalala sa boses na tanong niyang hindi ko naman sinagot. "Are you still mad at me?" tanong niya na naman na hindi ko ulit sinagot.
I'm not mad at him, he did not do anything for me to be mad at him. But I have to act like I am, because it is the only way to push him away from me, even how much he loves me.
"Tapos na tayo, Red, at sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong respetuhin ang desisyon ko," sagot ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya.
I heard his small sob. "Why? Ano ba ang nagawa ko para basta ka na lang makipaghiwalay sa akin?" nanginginig ang boses na tanong niya sa akin.
Wala. Wala kang kahit anong nagawa, Red. Pushing you away from is the only way for you to be happy and free from everything that I might give you, from every painful and hard things I might give you, from all the pain I might cause you.
"I do not love you anymore."
I still do. I love you so damn much. But I cannot be with you, love. Kahit gaano ko gustuhin ay hindi maaaring ipilit ang bagay na hindi, na matagal nang hindi. I love you, but I have to push you away from me.
"But I still love you!" pagdadahilan niya kaya mariin akong napapikit.
Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang patahanin, gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat, gusto kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat, pero hindi ko magawa dahil alam kong sa oras na yakapin ko siya, sa oras na patahanin ko siya ay wala na, hindi pa man nagsisimula ang misyon ko ay talo na kaagad ako.
"Your love won't make our relationship work, your love is not enough and will never be enough to make it work. Hindi magwo-work ang relasyon nating dalawa kung ako lang ang mahal mo pero hindi kita mahal."
Mahal kita, Red. Mahal kita higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. You were there for me when me one was, you were there for me when everyone left me. You were always there for me, and you — you alone is all I need.
BINABASA MO ANG
The President of Section Seven
Teen Fiction[COMPLETED] CURRENTLY REWRITING. Serene. That's her name. Isa lang ang gusto niya, ang matapos ang misyon niya at ang malaman at makita ang taong nasa likod ng nangyari sa matalik na kaibigan niya, pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagkahulog ng...