"oo, sa aking pananaw, hindi na maaaring ibalik pa ang nakaraan .
para sa akin, malalim pa ang sugat, hindi pa ako handang harapin ang katotohanan.
alam kong hindi matiwasay ang hiwalayang naganap sa pagitan namin ."

ito palagi kong naiisip sa tuwing alam kong magtatagpo ang aming tadhana o kaya naman tuwing naiisip ko ang ..
sabihin nating hindi magandang nakaraan .

nagplanong magbabakasyon ang high school friends .
natuloy naman dahil holy week .
alas-dose na ng kami ay makarating.
nasa resort na kami at pinaplano na nila ang hatian ng kwarto .
nakakatakot ... i mean nakakakaba dahil hindi puro babae at lalaki kundi halo .

medyo nagulat lang ako at hindi ako nagkakamali na pinagsama kaming dalawa ..

shit lang .. nakakabakla ng feelings .
hindi . wala na akong nararamdaman sa kanya dahil nakaraan naman na .

pero may pressure na nagaganap sa pagitan namin .

nauna at nagmamadali silang pumunta sa room na napili nila.
hinila ko ang bagahe ko papunta sa room .
siya naman sumunod na walang imik at parang wala lang .
gusto ko sanang kunin sa kanya ang susi pero hindi ako makaimik shit .

binuksan niya ang pinto at agad akong pumasok, tinanggal ang sapatos at inilapag ang gamit .
"siguro pinalano niyo ito?"
mahina kung tugon.

"hindi".
yun lang ang nasagot niya .

isang queen size bed lang ang nakita ko at hindi dalawang kamang maliit .

"sa sofa na lang ako matutulog "
pagpupumilit ko . obvious naman ayaw ko siyang katabi .

"ikaw na lang dun, ako na diyan"
mahinang tugon niya .

patuloy kong inayos ang gamit ko .
chinarge na din ang phone ko .

hindi muna sumunod sila Christine at Jade may inaasikaso .
kami na nga lang magkasama ni Ally, pinaghiwalay pa .
ngayon kasama siya ng mga uhm friends namin obviously pero we're in good condition naman .
kaya lang ....

magpapahinga muna ako .
hahayaan ko lang muna kung saan siya matutulog basta sasakupin ko muna itong kama .

Can We Figure it Out ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon