lumabas na ako patungo kung nasaan sila.
nakita ko si Ally at siya ang tinabihan ko .
pagkatabi ko, sabi ni loren na magsikain na daw .Batangas ang napiling lugar.
hindi ko pinagamit ang sasakyan ko.
nagrent na lang at ako ang nagdrive.
bus na ang inarkila para kasya kami pati ang mga gamit.
dalawa kaming may license kaya salitan ang pagdrive namin .nag-ihaw sila ng seafoods na hinuli nila habang tulog ako .
pero naiinis ako ng kaunti dahil hanggang ngayon ganun pa din sila,
malihim.kumain na lang ako at umupo sa gutter ng swimming pool habang nakalubog ang paa sa tubig.
nagpapahangin lang at nag iisip isip.tama bang sabihin ko kay Carl na anak niya si France ?
pero hindi pa ito ang tamang oras at panahon kaya saka nalang .
at saka kung mangyari man yun, wala namang sama ng loob sa kanya ang bata, pinalaki ko siya na alam ang totoo, na mali ako pero naintindihan naman niya .
kaya lang hindi ko sinasabi kung sino talaga ang totoo niyang ama.
although alam niyang buhay pero he didnt force . alam nila Christine, Ally, Jade, also my parents, Nicko also.
naintindihan naman nila.palagi ko tuloy naiisip kung ano ba talaga ang totoo ?
kung bakit ko siya hiniwalayan?
kaya naman niya sigurong alagaan at suportahan kami ng anak ko kahit nag aaral pa kami.
kung sinabi ko ang totoo.pero hindi ko sinabi, kaya hanggang ngayon, lihim pa din.
balak ko na sana sabihin kaya lang, may nililigawan siya.hangad ko kaligayahan nila .
wala pang ilang buwan,
naghiwalay din sila.naisip ko na wag na munang sabihin. saka na lang,
kapag kaya na ng sarili ko.
mag aaral muna ako para sa anak ko.
ayaw ko na muling magkasala kaya hindi ko naisip siyang ipalaglag.sinuportahan naman ako ng mama ko at father, at hindi lang pinaalam sa ibang kamag-anak .
pinalaki kong maayos si France.
"France" dahil sa lugar na France.
kung babae sana, i'll name her sana ng "Paris".
i love that place =)
pinag aral ko sa isang private school para maganda ang pundasyon.
ngayon nasa grade 1 na siya.
masiyahin, jolly, sarcastic minsan na namana sa akin , cute, matalino, maputi .
dala-dala niya ang surname ko.napadaan si Detty sa swimming area at nakita ako, inuman tayo tara !
no choice, minsan kaya pinagbigyan ko.