XIX KABANATA

43 6 5
                                    

Ilang araw rin nanatili sina Hayabusa, Kagura, Hanzo at Selena sa laboratory. Nagkaroon narin ng alyansa ang VENOM squad sa pakikipag-usap sa tatlong ninja at kay Selena. Kapag nabawi na nila ang Magic Cube, magtutulong-tulong sila upang labanan ang Back Dragon na si Yu Zhong.

Si Chou nama'y nanatili rin sa laboratory upang samahan si Hanabi habang pinoproseso ang lahat ng mga nangyari. Pabalik silang dalawa sa laboratory nang masalubong nila si Hayabusa na nasa pinto.

"Haya, anong ginagawa mo riyan?" Tanong ni Hanabi sa kaibigan.

Tumingin muna si Hayabusa kay Chou bago nag-salita. "Itatanong ko lang kung sasama ka na ba sa amin pabalik ng Scarlet Shadow mamaya?"

"Uuwi na kayo?"

Tumango ang ninja. "Oo, kailangan na naming bumalik dahil may mga dapat pang gawin sa ating bayan. Hindi ka pa ba sasama?"

Malamya namang ngumiti si Hanabi. "May tatapusin pa akong misyon, Haya. Kapag natapos na kami at maibalik na si Mike, sabay kaming babalik ng Scarlet Shadow."

Bumuntong hininga naman si Hayabusa. "Kung ganoon, mag-iingat ka rito. Nais kang makita ng pinuno ng Scarlet Sect kaya sana'y makabalik na kayo ni Mike."

"Iparating mo sa aming pinuno na bibisita ako roon kapag may pagkakataon. Mag-iingat din kayo sa inyong pagbalik."

Tumango lang si Hayabusa at sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng laboratory. Nag usap-usap muna sila at nagpaalaman dahil sa gabi rin na 'yon, aalis ang mga kaibigan nila. Panay ang sulyap ni Gusion kay Hanabi ngunit halatang iwas ang babae sa kanya. Ito ang naiisip na paraan ni Hanabi para hindi siya lalong mapalapit sa pinuno.

Nang makaalis na ang mga kaibiga'y diderecho na sana si Hanabi sa laboratory para masimulan na ang pag install ng modified armor sa kanya ngunit hinawakan siya sa braso ni Gusion.

Tinignan niya ng masama ang pinuno. "What?"

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Direktang tanong ni Gusion sa babae.

"Bakit? May rason ba para lapitan kita? May kailangan ka ba sa akin?" Sagot niya na parang walang pakialam.

"Galit ka parin ba?"

Hinawakan ni Hanabi ang kamay ni Gusion na nakahawak sa braso niya at inalis iyon. "Hindi na pero kung wala kang kailangan 'wag mo na akong lapitan." Tumalikod na si Hanabi at nag simula ng lumakad.

"Then, tell me what's your problem!" Sigaw ni Gusion na nagpahinto kay Hanabi. Lumakad siya palapit sa babae. "Huwag mo akong iwasan."

Napapikit si Hanabi dahil sa kakulitan ng pinuno. "Look, hindi kita iniiwasan." Tumingin siya rito. "Wala lang talaga akong dahilan para lapitan ka." Pagsisinungaling niya pa.

Hindi niya inasahan ang sunod na ginawa ni Gusion. Nanlaki ang mga mata niya at bumilis ang tibok ng puso ng bigla siyang yakapin nito. "You have no idea how worried I am."

"A-Ano bang ginagawa m-mo." Natutulirong tanong ni Hanabi. Naguguluhan siya kung bakit ganito ngayon si Gusion.

Mas humigpit pa ang yakap ni Gusion sa babae. "I thought I'm going to lose you, Hanabi."

"Hindi ko maintindihan." Natutuwa ang puso niya sa mga naririnig kay Gusion ngunit ang isip niya'y hindi nagugustuhan kung saan ito papunta. Handa na ba siya?

Kumalas sa pagkakayakap si Gusion at seryosong tinitigan ang babae sa mata. "Hanabi, hindi ko alam kung ito ba ang tamang pagkakataon para sabihin ko ito sa'yo. Pero ayoko ng palampasin pa ang pagkakataon." Hinaplos niya ang pisngi ni Hanabi. "Mahal kita, Hanabi."

Hindi ito ang unang beses na makatanggap siya ng isang confession pero pakiramdam niya'y ito ang una. Sobrang saya sa pakiramdam pero muli ang isip niya'y hindi sumasang-ayon at pinaalala pa nito si Lesley. "A-Ako ba talaga? Hindi ba't si L-Lesley ang gusto mo?"

GusHan: The Magic Cube Adventure (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon