Chapter 2

7 0 0
                                    

Charm'sPOV

Day of the prom...

Hindi ko alam pero kinakabhan ako. Siguro kasi natatakot ako sa mga ka-batch ko kasi nga ka-date ko si James. Marami nang nagbago sa kanya. Tumangkad na siya. Hindi na maliit. Hindi na siya ganun ka-payat. Nagka-muscles na din. Gumwapo siya pero siyempre hindi ko aaminin sa kanya. Baka lumaki ulo nun. Tsk.

Pero hindi naman nagbago ugali niya. Makulit, palabiro, maalalahanin, at mabait. It's like I'm liking him all over again dahil sa pagbabalik niya. It's not good. Aalis rin lang siya..

Umalis na ako ng bahay para pumunta sa parlor para magpaayos. Tinatawanan ako ng ate ko, si Ate Chryzelle, kasi yung reaction ko nung nilalagyan ako ng make up. Hindi kasi ako nagmemake up. Pag may okasyon lang. Pero nagulat ako nung naglabas yung nag memake up sa akin ng blade, aahitan niya kilay ko. Tututol sana ako kaso nasimulan na niya. NOOOOOO!!!! Wala na :'( kaya hinayaan ko nalang.

Umuwi na ako ng bahay para magpalit na ng dress. Gold siya na may pagkaglittery at may embroidery pa. Mukha daw akong diwata.. But I don't think so.

Kumakain ako habang hinihintay ko mag 4:00 bago pumunta ng venue. Naka-make up nako't lahat lahat pero hindi ko mapigilan sarili ko eh. Tinatawag ako ng mahal kong pagkain

May nagtext bigla sa akin..

1 message received..

Fr:James

Nandito na kami. Lol.

Nasamid ako at uminom ng tubig. Nagreply naman ako..

To:James

Hala. Sige papunta na ako.

Sinabihan ko na yung maghahatid sa akin na pumunta na kami sa venue.

Habang naghihintay ako, nadaanan ako ni Tita Cherylle(Mama nila Pat at Greg).

"Charm, nandun na daw si James. Pwede makisabay nalang siya sa inyo mamayang gabi kasi dito siya matutulog?" tanong sa akin ni tita.

"Sige lang po tita :)" sagot ko naman.

"Sige, ingat. Enjoy your prom." pahabol niya.

"Thanks tita. " sagot ko naman.

Pagkarating ko.. Ang gaganda at gwapo ng mga ka-batch ko. They were at their best. Nainsecure tuloy ako. May kumalabit sa akin at nagulat ako.

I finally saw him. Face to face. And no doubt my heart was beating fast, my face brightened and the butterflies in my stomach were wild. He was wearing this black tux with a red necktie. He was... Different.

"Uii!" sabi ko habang nakipag apir sa kanya. Tropa kasi kami noon. I was like a dude back then...

"Hala. Ang liit mo naman na. Diba dati mas matangkad ka sa akin nung elementary? Hahahaha." sabi ni James sa akin.

BOOOGSH!

Sinuntok ko siya sa braso.

"Aray! Lhyz naman eeh. Hindi ka pa rin nagbabago. Malakas parin mga suntok mo. Haha." sabi niya sa akin.

Natulala ako. He called me Lhyz. He was the only one that called me that nickname. It was music to my ears.

"Talaga! Laitin pa height ko eh." sagot ko naman sa kanya at nang irap.

"So how's Canada?" tanong ko sa kanya.

"Fine. There are many Filipinos like me in my school so I adjusted quite well." sagot niya. He already has an accent. Ugh! I can't handle this. Nanonosebleed na ako, simula pa lang.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon