Sa dinami rami ng tao dito sa mundo,
Alam kong mahirap ng humanap ng taong totoo.
Pero masasabi kong, ang swerte swerte ko,
Dahil nakilala ko ang isang taong kagaya mo..
Ikaw yung taong laging nariyan,
Na handa akong damayan at ipaglaban..
Yung tipong isang text o tawag ko lang,
Agad agad, ako’y iyong pupuntahan.
Ikaw ang naging sandalan ko,
nung mga panahong bibigay na ako..
Ikaw ang pumawi sa mga luha ko at sinabing,
“Wag kang mag alala, nandito lang ako”
Salamat sa kasiyahang iyong pinadama,
Ganun din sa pakikisamang,
hindi mapantayan ng iba..
Salamat sa’yo kaibigan.