"You may now kiss the bride"Masaya ako para sa kanila. Hindi ko tuloy mapigilang maging emosyonal.
May isang kamay ang sumalikop sa aking kamay. Nagulat pa ako kaya naisarado ko ang aking kamao pero walang hirap niyang iniunat iyon at mas inayos ang pagkakasalikop ng aming mga palad.
"Dadating din tayo r'yan"
I heave a sigh, "Ayoko pang maikasal. Hindi pa ako handa, at hindi ko pa nahahanap 'yong guy na mapapang-asawa ko."
"What if....Tayo na lang?"
Umurong ang lahat ng luha ko sa narinig. Sa hindi malamang dahilan ay takot ang namutawi sa aking buong sistema. Takot nang sumubok pang muli.
"Nahihibang ka na ba?"
Natatawa itong umakbay sa akin, hindi sinagot ang katanungan kong iyon. Alam naman niya na hindi ako bumabalik.
"We can still try, malay mo... Mag-work na tayo?"
I don't know, siguro kahit na bata pa kami noon, nagkaroon 'yon ng malaking impact sa akin. Hindi naging kami, puppy love lang, kaya seeing him here, with a manly aura, parang kailan lang ah. I can still feel na hindi siya nagbago. I mean, his humor. Iyan iyong nagustuhan ko sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo, nanonood 'yong tao oh" tinuro ko 'yong wini-witness naming kasal nila Mama.
Nagpakasal na sila matapos ng napakaraming paghihirap na dinanas nila.
Sa dinami-raming isda sa dagat, hinding-hindi talaga niya pakakawalan 'yong pinakaunang nahuli niyang Bangus eh.
Labinlimang taon pa lang ako noong lumipat kami sa Laguna matapos naming umalis dito sa Isabela. Unang taon, naging maayos ang buhay naming tatlo roon, pero lumipas ang ikalawang taon, nagkaroon ng malaking problema ang pamilya na naging dahilan ng hiwalayan. Umalis si Mama sa bahay, naiwan ako kay Papa. Ilang gabi ko siyang naririnig na umiiyak pero wala siyang bisyo kaya tanging paglilibang lang sa sarili (Pagpapaganda ng iniwang Garden ng mama ko), ang ginawa niya noon para lang mawala ang atensyon niya sa nangyari.
But their love did not just end there. They saw each other again noong inakit ko si papa na magsimba sa Quiapo. Turns out na nagtrabaho rin si Mama para maiwasan ding isipin 'yong nangyaring hiwalayan nilang dalawa. I guess they found their way back home to each other, Again. Isa lang iyong challenge for them in order to grow, even without in each other's arm.
Noong 16 ako nai-kwento ng Lola ko sa akin, 'yong nag-aalaga kay Papa noong bata pa siya, Halos kaedaran ko lang daw si Papa noong magkakilala sila ni Mama. Nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan. 17 si Mama noong nabuntis siya sa akin, oo, produkto ako ng maaga nilang pag-iibigan. Hindi niya pinaalam sa tatay ko 'yon at nagpuntang ibang bansa para roon ituloy ang pagbubuntis niya sa akin.
Bumalik si Mama at nagpakita kay Papa noong labing-isang taon na ako. Kaya biruin mo, naghintay si Papa ng mahigit labindalawang taon para kay Mama. Nagawa niyang tuparin ang pinangako niyang 'Hihintayin pa rin kita'..
They are 29 when they decided na magsama.
"Grabe ang pag-ibig nila ni Tita, ano?" bulong ng katabi ko.
Tiningnan ko ito "The consistency and patience of my father, hindi iyan mapapantayan at mahihigitan ng mga lalaking nakilala ko"
Agad itong napatingin sa malayo pero maya-maya ay muli na naman itong lumingon sa akin.
"Naghintay ako roon..." aniya, "Akala ko nandoon pa kayo sa Isabela. May nakita kasi akong mga naiwan mong gamit kaya--umasa ako na babalik ka pa"
Ako naman ang napatingin sa malayo. Don't know what to feel.
"Wala na talagang pag-asa?"
"I....I don't know" I honestly said. Bigla kasing bumalik sa akin ang lahat ng sakit na naramdaman ko sa lalaking una't huli kong minahal. Sobrang sakit ng naidulot ko sa isa't isa.
"Ilang araw na siyang pabalik-balik diyan sa bahay niyo. Umaasang isang araw, babalik ka."
Naalala ko 'yong sinabi ni Aling Cindy sa akin, mga apat na taon na rin ang nakalipas. Umalis kami sa Isabela, oo, pero hindi sila Mama ang may gusto noon; Ako ang nagpumilit. Bago pa mangyari iyong paghihiwalay nila Mama at Papa.
I was just 15 years old noong maranasan ko ang masaktan because of him. He's my first love.
"Tell me the truth.May nararamdaman ka pa ba sa babaeng lagi mong kasama?" boses ng babaeng umiiyak ang narinig ko sa may paliko ng pasilyo.
"Alam mo namang ikaw lang mahal ko, 'di ba? Kaya nga ikaw ang pakakasalan ko pagdating ng panahon."
Tila naestatwa ako noon sa narinig. Alam kong siya 'yon. Paano ko makakalimutan ang minamahal ko. Kaya hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi niya. Akala ko ako na ang pipiliin niya--hindi pa rin pala. Nakahanap ako ng kaonting lakas para makalayo sa lugar na iyon.
Then boom, sa determinasyon kong makamove-on, Lumayo ako
BINABASA MO ANG
Taguan ng Feelings
RomanceTagu-taguan, taguan ng feelings. Mamahalin kita kahit na alam kong may minamahal kang iba-- dahil naniniwala akong ang unang umamin ay siyang talo.