Vhong's Point Of View
"Psssst!" May gumigising sakin
"Huy Vhong!"
"Kuys!"
"PERDINAND!"
"Isa-----"
"ANO BA?! KITANG NATUTULOG AKO EH!" sigaw ko sa mga kaibigan ko
"Ano? Gusto mo maiwan dito? Malelate ako sa next class ko niyan eh!" - Jugs. Tapos na pala ang Isa kong klase -.-
"Ah ganun ba? O sige. OA mo jugs ha tagal pa ng next class mo" - ako. Tapos nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria
"Eh sa mababawasan ang oras ng pag-kain ko eh. Edi mababawasan din time sa pagpasok" natawa ako.
"Teka nga lang, bakit ba kasi puyat na puyat ka?? Hmmm I smell something fishhhhhhy!" - Billy. Tumataas taas ang kilay niya
"Gago! Dumi talaga ng utak mo KROPORD!" Natawa siya
"Eh sa wala naman akong sinabi ah? Nako baka ikaw ang madumi ang utak diyan NAVARRO!" Napa-'tsss' nalang ako
"Pero bakit nga ba?" - Teddy
"Eh kasi si Anne may lagnat parin kagabi kaya ayun madaling araw nanaman ako nakatulog"
"Aba! Mabait na MISTER! hahahahahhahaha!" - Jhong
"Tch." - ako
"Eh bakit siya nagkasakit?" - Jugs
"Kasi nung sabado sinundo siya ni Sam may 'date' daw kuno sila tas ako rin napilitang pumunta kay Tanya eksaktong sa bar din ako. Umuwi ako ng maaga tas nalaman ko nalang kay Vice na nasa Bar pa si Anne. Iniwan ng gagong Sam na yun! Nabasa sa ulan. Yun tuloy linagnat! Tsk." Natawa silang apat
"Problema??" - ako
"Wala. Para kasing nagseselos ka eh hahahahahha" - Sila. Napairap ako
"Di noh. Never" sabi ko
"Eh? Nabasa sa ulan? Eh pano nabihisan? Nakoooo!" Sabi ni Billy at binigyan ako ng makahulugan na tingin binatukan ko siya
"Tinawagan ko si Karylle ayun sinama si Nikki. Sila nagbihis kay Anne" di ko mapigilang mapangiti pa naaalala ko yung pantitrip ko na sakanya nun
"Makangiti ah!"
"Ha? Hindi kasi muntik na kong magkapasa sa palo niya nung naisipan ko siyang pagtripan at sabihin kong ako ang nagbihis sa kanya" napa-iling ako
"Ayieee si KUYA(not kuys) VHONG nafofall na hahahaha!" Sabay sabay sila dun ah
"Di noh!" Nauna na silang umupo at yun ay sa table nila Anne
"Heeeello beautiful laaaaadies!" - Billy
"Hello din" - Vice
"Asa ka namang isa ka sa BEAUTIFUL LADIES" - Jhong
"Aba! Tarantado ka ah! May problema ka sakin? Ha!?" Maangas na sabi ni Vice. Nagtawanan kami. Pero na-realize ko, bagay pala sa kanya ang maging lalaki. Well, di naman kasi pang bakla ang suot niya, walang make up kaya pag nakasalubong mo toh at seryoso ang mukha di mo aakalaing bakla ito.
"Kita mo yan, di ka talaga lady haha guy ka!" Napairap nalang tuloy siya
"Anywaaaays! Vhong salamat sa pag-aalaga mo dito kay Anne nung may lagnat siya ah! Thanks!!!" - Vice. Tumango ako
"Okay lang. Nakakaenjoy nga kasi puro siya irap sakin haha" tinignan ko si Anne pero umirap nanaman siya. Napangisi tuloy ako
"Abaaaa! Mukhang nadedevelop na ang dalawa ha?" - Teddy