PROLOGUE

4 2 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

©I Love You, My Fangirl. All rights reserved.

__________________________________

Nang makarating ako sa venue ng Concert ng Kenji ay nakita ko ang malaking poster ni Kenji sa labas ng arena. Tumakbo na ako papasok ng arena kasi 30 minutes late na ako! Kanina pa nag-start ang concert ni Kenji! Hinarang ako ng dalawang security guard ng arena.

“Nasaan po ang inyong ticket, miss?”, tanong sa akin nung isang security guard. Dali-dali kong hinahanap sa bag ko yung ticket. Kinabahan ako kasi kanina pa ako naghahanap sa loob ng bag ko ay hindi ko pa rin yung ticket ko.

“Nasaan na ba yung ticket?” mahina kong sabi. Kinakabahan ako at nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang kaba.

“Miss, nasaan na po?” tanong uli sa akin ng security guard.

“Kuya nalimutan ko po yung ticket” kinakabahan kong sabi sa security guard. “Pwede po bang makapasok kahit walang ticket. Dadalhin ko po bukas! Parang awa niyo na po kuya, kailangan ko pong makapasok para makita si Kenji!” pagmamakaawa ko sa dalawang security guard.

“Miss hindi po pwede yun. Sorry po pero hindi po kayo pwede pumasok. No ticket, no entry po”

“Pero....kuya, gusto ko pong makita si Kenji. Bigyan ko na lang po kayo ng 2,000 pesos katumbas po yun ng halaga ng ticket. Please... kuya... Please... Please... Please...” matindi kong pagmamakaawa sa mga security guard. Lumuhod ako para papasukin ako. Nung makita ko  silang naiinis ay tumayo ako at uuwi na lang.

Huhuhu Kenji! Hindi kita makikita.

“Gaile!” Narinig ko ang pagtawag ng isang tao sa akin. Nagulat akong si Myles pala yun.

“Oh naiwan mo itong ticket mo. Bakit ba sa dami ng iiwan mo, e ito pang ticket?” pang-aasar sa akin ni Myles. Niyakap ko siya.

“Thank you, Myles!” halos maiyak ako sa sobrang pagpapasalamat ko kay Myles.

"“Huwag ka na mag-drama. Pumasok ka na sa loob. Makikita mo na si Kenji”, malumanay na sabi niya.

“Eh paano ka?” tanong ko sa kaniya.

“Ako na bahala. Basta pumasok ka na sa loob” ibinigay niya yung ticket sa dalawang security guard at tinulak ako papasok sa loob.

Tumingin muna ako sa kaniya. I took a deep breath and the security guards let me in. This is my first time walking in Kenji's concert arena.

Bumungad sa akin ang maraming tao. Napakalaki buong lugar. May malaking screen sa kaliwa at kanan ng arena kung saan makikita si Kenji. Tumingin ako sa stage at nandon siya.

Totoo ba ito o panaginip lang ito?

Nararamdaman ko ang panginginig ko at excitement nang makita ko siya. Biglang nakita kong nakatingin siya sa akin kaya nagkatitigan kaming dalawa.

Gaile, Kenji Amar'e is now looking at you.

Gusto kong sampalin amg sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. He's looking at me and he's smiling very wide. He is shining like a moon. Maputi siya at matangkad. He's so handsome!

“Hi miss. What's your name?” sabi niya habang naka-microphone kaya rinig sa buong arena ang boses niya. Hindi ko alam kung sino yung tinatawag niyang 'miss' pero nakatingin pa rin siya sa akin. Pati ang boses ang gwapo!

I Love You, My FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon