Note: JAMERO INTERNATIONAL SCHOOL (JIS) IS NOT REALLY EXISTING. There is no JAMERO INTERNATIONAL SCHOOL here in Philippines.
__________________________________
🎵When it's dark outside, I lie and finding you... Brightens the dark sky... Wishing you will be mine......🎵
Agad kong naimulat ang aking mga mata ng narinig ko ang alarm ko na kanta ni Kenji Myloves! “Pati ang boses, ang gwapo rin!”. Bumangon na ako at nag-stretching. Ngayon ang first day of school namin sa JIS dito sa Lucena, Quezon. Inayos ko ang aking kama dahil maagap pa naman. Naligo na rin ako at agad nagbihis ng aking uniform. Medyo maikli masyado itong palda ko! Nasa ibabaw ng tuhod ko. Inihanda ko na rin ang aking bag na binili ni mama sa akin nung nasa Seoul pa ako. Iingatan ko talaga itong bag ko dahil ito noon ang pinapangarap kong bag at kapag nasira ito wala akong pambili. Handa na ang mga kailangan ko sa school pero parang hindi pa rin ako handa. Kagaya dati, handa akong pumasok sa school dahil akala ko, matutupad ang pangarap ko na magkaroon ng maraming kaibigan ngunit hindi pala, bangungot ang pagpasok ko sa dati kong paaralan. Huminga ako ng malalim at lumapit sa mga posters ni Kenji.
“Kaya ko ‘to Kenji! Fight! Fight! Fight!” pagpapalakas ko sa sarili ko para hindi ako kabahan.
“Sige Kenji. Aalis na ako. Uuwi ako ng maaga!,” sabay kiss ko kay Kenji sa kaniyang poster.
Agad akong bumaba at nakita kong nakabihis na din si Myles at nagsusuklay ng buhok. “Kumain ka na ba?” tanong ko kay Myles at dumiretso ako sa kaldero kung may lamang pagkain.
“Hindi pa! Hindi naman ako marunong magluto ng hindi Korean Food ‘saka sabi mo ipagluluto mo ako!” nakanguso niyang sabi. Agad kong kinuha ang dalawang itlog, tapa, sibuyas at bawang sa ref.
“Anong lulutuin mo?” pag-iisyoso sa akin ni Myles habang naggagayat ako ng sibuyas at bawang.
“Tapsilog. Lutuin mo ‘yang itlog, at tapa” utos ko sa kaniya. Inihanda ko naman ang kanin para i-sangag.
“Tapsi... What??” nagtataka niyang tanong. Wala talaga siyang alam sa kahit anong Filipino food.
“Basta lutuin mo na ‘yan, bilis!” agad naman niyang prinito ang itlog at tapa. Nag-sangag na rin ako ng kanin. Nang maluto ang tapsilog ay nagsimula na kaming kumain.
“Hmmmm....so delicious!” sarap na sarap niyang sabi, sinabi ko sa kanyang mag-kamay. Nung una ayaw niya pero pinilit ko siya.
“Sige. Kumapit ka!” agad kong inayos ang aking pagkakaupo sa motor at binilisan ko ang aking pagmamaneho. A las siyete y media na kami nakarating sa school. Ipinark ko ang motor sa parking lot para sa mga motor pero parang ako lang ang may motor dito sa school na ito.
“Tara na. Wait lang pala! Aayusin ko lang uniform ko at buhok, ang gulo na eh!” huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko hindi magiging maganda ang unang araw namin dito sa JIS.
Inayos ko din ang aking uniform. Pagpasok namin ay ang dami ng mga babae sa hallway na nakatingin sa amin. Para bang nasa red carpet kami pero hindi sila humahanga dahil para silang mga tsismosang nakatambay. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanila at makinig sa kanilang mga bulungan.
“They are new in here. New squammy!,”sabi ng babae.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Myles dahil alam ko naman na naririnig niya ang mga sinasabi ng mga babaeng nadadaanan namin ngunit seryoso lang siya at parang walang pumapasok sa kaniyang mga tainga. Hinila ko si Myles para umupo sa upuan sa may gilid ng hallway. Hindi maalis ang mga tingin sa amin ng mga tao. Nagbubulungan at may kung anong tinitingnan sa cellphone nila.
“They are the girls in this picture,”sabi ng babaeng kanina pa sa amin sumusunod.
“Yari sila kay Mhia,” tawanan ng grupo ng mga lalaki.
BINABASA MO ANG
I Love You, My Fangirl
RomanceAre you also a fangirl or fanboy who wants to see the ultimate crush or idol? What if your wish to be with ultimate crush or idol comes true? At a young age Gaile was one of the victims of bullying because of her appearance. She lived in a world ful...
