🅚︎🅘︎🅝︎🅐︎🅚︎🅞︎ 🅟︎🅞︎🅥︎
Nandito ako sa room ko nagbabasa ng libro tahimik lang ako dito. Kapag tapos na kami maglinis ng bahay ganito na ang ginagawa ko, habang nagbabasa ako ng libro naririnig kong nagaaway sila mommy at daddy, baba ako para malaman kung bakit."Mom?" tawag ko kay mommy
"yes, anak?" sagot nya saakin na parang umiiyak
"Mom, are you okay?" nagaalalang tanong ko kay mommy
"Yes, anak" sagot nya na alam kong hindi totoo
"Dad? Ano ba kasing nangyayari?" Tinanong ko na si daddy, sya nalang, kasi alam kong hindi sasagot ng totoo si mommy
"We need to talk, kinako" Diretsong sagot saakin ni daddy na ako naman dito kinakabahan
"A-about what?" Kinakabahang tanong ko kay dad
"Just listen to me, okay?" Mahinhin na sabi saakin ni dad
"Are you sure about this?" nagaalalang tanong ni mommy kay daddyy
"Yes, we have to" sagot ni daddyy na lalong ikinagulo ng utak ko
"Mommy, Daddyy ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ko sakanila, kasi sobrang naguguluhan na ako
"Come here, sweetie, umupo ka, may paguusapan tayo, just listen okay? Mahinhin na paliwanag saakin ni daddyy
"Okay?" Patanong kong sagot, sana naman walang kung ano toh diba?
"Ikaw nalang magsabi, hindi ko kaya" naiiyak na sagot ni mommyy
"Oo, ako na" sagot naman ni daddyy kay mommy
"Ano ba yun daddy?" Nagtanong na ako para malaman ko na kung ano ba yun
"Anak, yung company kasi natin nalulugi na, kinausap kami ng isang pinakamayaman na company, masa-save lang ang company natin kung magpapakasal ka sa anak nya" Pagpapaliwanag ni daddy saakin, na ikinagulat ko naman
"Ano? Ako? Magpapakasal ako? Bakit ako pa? Sino ba yun?" napatayo ako ng marinig ko ang sinabi ni daddy at tinanong kung bakit ako pa
"Si Kyousuke Tsurugi, ang pangalawang anak ng Tsurugi Family" sagot ni daddyy sakin
"Kyousuke Tsurugi?, Bakit ako magpapakasal sakanya? Hindi ko naman yun kilala daddy, at isa pa hindi pa ako nagtatagal sa trabaho ko bilang doctor" Pagpapaliwang ko kay daddyy, ayoko magpakasal sa taong hindi ko naman nakilala at nakita
"Pwede ka naman magtrabaho sa company natin eh, anak kailangan kasi, kapag hindi ka naikasal dun, mawawala ang company na pinaghirapan ng lolo mo" pakikiusap saakin ni daddy, Anong gagawin ko?
"Daddy naman alam mong hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko naman kilala, hindi nga natin alam kung anong buhay magkakaroon ako sakanya eh" Pagpipilit ko kay daddy na wag akong ipakasal
"Nakapagusap na kami ng daddyy ni Kyousuke Tsurugi, at pumayag sya sa kasunduan na yun, tutulungan nya tayo na hindi malugi ang company natin kung magpapakasal ka sakanya" pilit na pagpapaliwanag ni daddyy
"Daddyy naman" Pagtawag ko kay daddy lumingon ako kay mommy pero wala syang sinasabi, umiiyak lang alam nyang ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko naman kilala
"Anak, paano na ang pagaaral ng bunso nyong kapatid kung hindi maayos ang company. Company ng lolo mo yun, ayaw kong mawala yun at alam kong ayaw mo rin, mahal na mahal mo ang lolo mo diba? Alam mong pinaghirapan nya yun" pilit pa rin sakin ni daddyy
"H-hindi ko alam daddy, hindi ko alam kung magpapakasal ako, ewan ko daddy" pagsabi ko nun ay umakyat na ako ng umiiyak
"Kinako" rinig kong tawag ni mommy sakin pero hindi na ako lumingon
Ⓐ︎Ⓣ︎ Ⓡ︎Ⓞ︎Ⓞ︎Ⓜ︎
Nandito na ako sa kwarto ko, umiiyak, ayoko magpakasal sakanya, hindi ko kilala yung Kyousuke Tsurugi na yun, anong buhay magkakaroon ako sakanya? Mamahalin nya ba ako? Argghh!! Hindi ko alam, pero tama si daddy paano yung pagaaral ng kapatid ko? Paano na yung company na pinaghirapan ni lolo? Kapag nawala yun parang nawala na rin sakin si lolo, yun nalang yung tanging ala ala nya saamin, yun nalang yung naiwan nya samin, pero papayag ba ako? papayag ba akong magpakasal sa hindi ko naman kilala? Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong desisyon ko kung papayag ba ako o hindi. Matutulog nalang ako siguradong bukas meron na akong desisyon.❀𝐓𝐨 𝐛𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐞𝐝❀
YOU ARE READING
Arranged Marriage
FanfictionWhen kinako is just 24 years old, she wants to fulfill her dreams before getting married, but just because of an arranged marriage she will lose all her dreams. She agreed to get married for the good of her parents even though she knew she would los...