Part 5

700 23 2
                                    

Jema's Pov

8 am na nung magising ako and ansakit ng ulo ko dahil siguro napadami ang inom ko.

Bumangon nako and pumasok sa banyo para maghilamos at mag toothbrush

After kong gawin ang morning rituals ko nagpunas nako ng mukha and lumabas ng banyo

Chineck ko naman ang phone ko and nakita kong nag text si Kyla na umuwi muna daw sya sa kanila dahil may emergency lang.

Nakita ko ding may text si Deanna, nag-message pala sya kagabi na naka-uwi na sya kaso nakatulog agad ako kaya di ako nakareply agad. Replyan ko nalang sya para malaman nya

: Goodmorning Deans, sorry nakatulog agad ako kaya di kita nareplyan

After ko syang i-text niligpit ko na yung pinag-higaan ko and lumabas ng kwarto

Nag-vibrate naman yung phone ko and nakita kong nagreply na si Deanna sa text ko

Deanna: Goodmorning too Jema, it's okay

Deanna: Kumain kana ng breakfast?

: Ah hindi pa eh, kagigising ko lang kasi and bago palang magluluto

Deanna: Can we eat breakfast together? Only if it's okay with you

: Sure ka? Okay lang naman sakin walang problema

Deanna: Of course, wait me there and don't cook, I will buy our breakfast lang

: Sige deans ingat

After ko syang replyan nag-ayos muna ako ng sarili and chineck yung labas if maayos and walang dumi, nakakahiya kasi kay Deanna, mukha syang mayaman e

Di nagtagal may bumusina sa labas, si Deanna na ata yun, sinilip ko naman and tama nga ako

Nilabas ko naman sya and pinapasok sa bahay

"Deans pasok ka" - aya ko sa kanya. "Pasensya kana maliit lang yung bahay namin" - dagdag ko

"Hey it's okay Jema, di naman ako maarte, Goodmorning pala" - sagot nya sakin

"Goodmorning din, akin na yang dala mo at ako na maghahain para makakain na tayo" - sabi ko sa kanya and kinuha yung dala nya

"I'll help you na" - sabi nya sakin

"Sigee" - sagot ko sa kanya at pumunta na sa kitchen para ihanda yung dala nya, sumunod naman na din sya sakin

"So Jema, since I said last time that I want to be close to you and I want to know you more, siguro ito na yung chance HAHA" - sabi ni deanna at ngumiti

"Sige ba, gusto din kita makilala, mukha ka kasing tahimik at di pala kwento eh" - sagot ko naman sa kanya

Deanna's Pov

I'm here at Jema and Kyla's house but Kyla's not here kasi daw umuwi sa kanila

We're eating right now and nag-uusap kami para magkakilala kami lalo

"What's your full name pala Jema?" - tanong ko sa kanya

"Jessica Margarette Casidsid Galanza" - sagot nya sakin. Ang haba pala ng name nya. Well ako din naman haha

"Ang ganda ng name mo at mahaba din like my name" - sabi ko sa kanya at sumubo ng food ko

"Talaga mahaba din sayo? Ano ba full name mo?" - tanong nya sakin

"My full name is Ma. Deanna Izabella Alvizo Wong, 23 years old" - sagot ko sa kanya

"Mas mahaba pala sayo eh, and mas matanda ako sayo ng 2 years" - sagot nya sakin habang kumakain

RealizationWhere stories live. Discover now